Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes
- Published on April 14, 2023
- by @peoplesbalita
NAIS ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya.
Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa sa driver.
Inihalimbawa ni Marlon Jacila, ang ibinigay raw na subsidiya para sa krudo, ayon sa kanya ay hindi naman lahat ng driver nakatanggap nito dahil ang ilan ay na stuck nalang sa operators.
Kaya ang tanong nila, paano umano ito makakarating sa mga jeep drivers.
Maayos daw sana itong plano na subsidiya sa mga drivers dahil malaki na rin ang maitutulong sa pang araw araw.
Dagdag pa ni Marlon, lahat raw ng bigat ay nasa drivers kaya itong subsidiya sana naman raw ay makarating sa jeepney drivers talaga.
-
400 traffic enforcers, itinalagang COVID-19 safety marshals ni Yorme
“Alam ko ang sinasaway niyo lang ay driver, pero simula sa araw na ito, ang sasawayin niyo na ay taumbayan.” Ito ang binitiwang salita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 400 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na itinalaga nitong COVID-19 safety marshals sa lungsod. Hinarap ng alkalde ang […]
-
Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office
TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28. Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon. “SSS assures the public that […]
-
PH taekwondo jin Kurt Barbosa, ginamit ang kahinaan ng kalaban upang mag-qualify sa Tokyo Olympics
Sinamantala ni Filipino Taekwondo jin Kurt Barbosa ang pagkakataon sa last remaining five-seconds sa kaniyang laban sa men’s-58-kg semifinals division upang maipanalo ang Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan. Sa panayam kay Barbosa, nakita niyang pagod na ang kaniyang kalaban na si Zaid Al-Halawani na hometown bet at hindi na makadepensa […]