• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JENNICA, nilinaw na hindi pera ang pinag-awayan nila ni ALWYN

BALIK-GMA Network si Jennica Garcia, pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating husband na si Alwyn Uytingco. 

 

 

Hindi raw over money ang pinag-awayan nila, pero dinipensahan niya ang asawa sa pagsasabing, “the good things that I said about how I honor Alwyn up to this day, because he was never materialistic, hardworking and a good provider. Financial problem is not the reason. I will never say anything bad about the father of my children.

 

 

May project agad si Jennica sa GMA, sa ngayon ay nasa lock-in taping na siya ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, at kasama sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Sila at Jason Abalos.  Sa direksyon ito ni Monti Puno Parungao.

 

***

 

 

NAKA-LOCK-IN taping break ngayon ang cast ng The World Between Us ng GMA Network, pero si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ay sinamantala ang break na iyon para magawa niya ang mga previous commitments niya, tulad ng mga photo-shoots at TVC shoots ng mga bago niyang endorsements, kasama na rito ang mga pa-swab tests sa bawat work na gagawin niya.

 

 

     Next week pa muli babalik ang cast ng serye ng GMA Telebabad para sa second cycle ng lock-in taping nila.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang The World Between Us na nagtatampok din kina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, sa direksyon ni Dominic Zapata.

 

 

May mga nagtatanong nga pala kung ano raw ang roles nina Alden, Tom at Jasmine? Ganoon din sina Jaclyn Jose at ng special guest na si Glydel Mercado?

 

 

Pumasok din sa serye ang nagbabalik-GMA Network na si Sid Lucero, matapos lumipat nito sa ABS-CBN.

 

 

For sure ay madadagdagan pa ang cast ng serye at kung ano ang storyline nito.

 

 

***

 

 

LAST four weeks na lamang simula ngayong Monday, June 7, ng romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.      Kinakikiligan nga ng netizens ang relasyon nina PGA (President Glenn Acosta) at Yaya Melody.  Nadagdagan pa ito nang pagpasok din ng blooming relationships nina Nina (Cassy Legaspi) at Jonas (JD Domagoso) at nina PSG Conrad (Pancho Magno) at PSG Val (Thia Thomalla).

 

 

Pero ang tanong ay magtuluy-tuloy bang smooth ang kanilang mga relasyon?

 

 

Sa direksyon ni LA Madridejos, napapanood ang First Yaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras

 

Simula rin ngayong gabi, mapapanood na pagkatapos ng First Yaya ang pinakahihintay na pagbabalik ng Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 

 

 

Nagpasalamat ang mga DongYan fans sa GMA Network sa pagbabalik ng serye na adapted mula sa Korean Drama na Autumn in My Heart dahil inip na inip na silang muling mapanood ang kanilang mga idolo na magkasama sa isang project.

 

 

Pagkatapos ng Endless Love saka naman mapapanood ang Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, na nasa last two weeks na lamang.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Nic Cage’s Upcoming Dracula Movie Makes The Vampire A “Sh*tty Boss”

    NICOLAS Cage’s Dracula movie, Renfield, reimagines the iconic vampire as a “sh*tty boss,” says director Chris McKay.     The upcoming horror-comedy boasts an intriguing team of creatives that includes Chris McKay (The Tomorrow War, The LEGO Batman Movie) at the helm with a script by Rick & Morty’s Ryan Ridley based on an original […]

  • Ilang executive posts, bakante

    BAKANTE  pa rin ang ilang posisyon sa executive department. Base sa Memorandum Circular 1 na nilagdaan ni  Executive Secretary Victor Rodriguez , nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng  Hunyo 30, o nang magsimula ng umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.     Ang mga ito […]

  • ‘Pink Sunday,’ idinaos sa Quezon City Circle

    NAGING kulay rosas ang Quezon City Memorial Circle noong Feb 13, Sunday kasunod nang pagdaraos ng “People’s Proclamation Rally” ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang presidential bid, na tinaguriang ‘Pink Sunday.’     Nagtungo rin naman si Robredo sa QC City Hall kung saan personal siyang winelcome ni QC Mayor Joy Belmonte.   […]