• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JEROME, NIKKO at DAVE, ihahatid ang pangmalakasang ‘good vibes’ sa first digital series ng Puregold Channel

ANG GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ang first digital series na hatid ng Puregold Channel (YouTube at Facebook) na libreng mapapanood simula sa Hulyo 10, Sabado ng 7:00 PM.

 

 

Bida sa naturang comedy series ang tatlo sa hottest and most exciting leading men ngayon na sina Jerome Ponce,

Nikko Natividad at Dave Bornea, na magpapakalat ng ‘good vibes’.

 

 

Ang GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ay inspired ng Palibhasa Lalake (1987-1998) na pinagbidahan nina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada kasama si Ms. Gloria Romero

 

 

Tiyak na mapupuno rin ng mga kalokohan ng tatlong male boarders sa isang boarding house na gagampanan nina Jerome, Dave at Nikko at si Ms. Carmi Martin (bilang landlady na si Aling Pearly), kasama rin sa cast sina Wilma Doesnt at Elsa Droga.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Don Cuaresma, mayroon itong 8 episodes at 2 special episodes na mapapanood simula nga sa July 10 at ngayon palang ay humihirit na sila ng Season 2.

 

 

At ang wish nila, sana raw makapag-guest sa next season ng sitcom ang nasa original cast ng Palibhasa Lalake.

 

 

Nang tanungin si Jerome nina Boy Abunda at Gretchen Ho na host ng Sabado Bago Live, na kung saan nag-guest ang cast, dinescribe niya ang kanilang roles.    “Ako rito si Jawo, short for Jaworski. Ako iyong medyo kulang-kulang sa mga banatan, sa mga biglang pasok sa kuwentuhan. Ako iyong parang hopeless romantic. Sobrang mabilis ma-in love,” sabi ni Jerome.

 

 

“Si Nikko naman, siya dito si Dax. Short for… Eugene. Doon mo malalaman, ‘Huge’… gene. Kaya Dax. Ang galing! Ang galing ng ano, e!

 

 

“Si Dax naman dito ang mabilis ma-love at first sight. Siya ang pinakakolokoy dito.

 

 

“While ito namang si Dave, siya naman si Zeus, na parang Amboy, na talagang may sekreto, which is sa latter part po namin malalaman.”

 

 

The comedy series is a coming of age story of three housemates. Sa bawat episode, maha-highlight ang relatable adventures, antics, at life experiences.

 

 

“Puregold Channel is dedicated to our loyal customers. This is our way of rewarding and staying in touch with them outside the stores.

 

 

“This is Puregold’s thrust, to strengthen the future of retail through strong engagement and digital footprint,” pahayag ni Puregold Price Club Inc. President Vincent Co.

 

 

Maliban sa showbiz talk show nina Kuya Boy at Gretchen, sitcom nina Jerome, Nikko at Dave, mapapanood din sa Puregold Channel ang game show na Playtime Panalo ni Luis Manzano, stand-up comedy show na The Ha Ha Hour hosted by Alex Calleja, at Mobile Legends: Bang Bang gaming tournament na Puregold Esports Live.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mayor Jeannie, namahagi ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng Bagyong Kristine

    BINISITA ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers upang mamahagi ng tulong na pagkain at food packs sa mga pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine.     “Mayroon na naman po kinakaharap na bagyo hindi lang ang mga lungsod sa Metro Manila, kasama ang […]

  • Zero allocation para sa gumagawa ng health supplies, PPEs sa ilalim ng 2021 nat’l budget – solon

    WALANG nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5- trillion proposed 2021 national budget.   Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. […]

  • Nawawalang mangingisda, natagpuan na

    NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang isang mangingisda na tatlong araw nang pinaghahanap sa baybayin ng Agno, Pangasinan.     Kinilala ng PCG ang mangingisda na si Dexter Abalos, 32 anyos at nakatira sa Brgy.Aloleng Agno, Pangasinan na pumalaot pa noong Pebrero 7.     Gayunman, nang pabalik na […]