• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jersey nina Jordan at Bryant maaaring maibenta sa auction ng hanggang $20-M

MAAARING maibenta ng hanggang $20 milyon ang jersey na isinuot nina NBA legend Michael Jordan at Kobe Bryant sa kanilang unang mga laro.

Ayon sa Sotheby’s auction na inaasahan nilang mabibili ang nasabing mga jersey ng tig-$10-M bawat isa.

Dagdag pa ng auction house na hindi lamang ito na pawang mga memorabilia at sa halip ay simbolo ng ambisyon, galing na nagpapakilala sa kanilang karera.

Ang jersey ni Jordan na ito ay kaniyang pirmado mula sa 1980 ay isang “unicorn” na madalang makita sa mga pamilihian.

Isinuot ito ni Jordan sa unang laro niya sa Chicago Bulls noong Oktubre 5, 1984 sa Peoria, Illinois.

Makikita sa apeliyedo at numero ni Jordan na 23 ay ang itim na mantsa na mula sa pangalan at numero ng dating manlalaro na may suot ng nasabing jersey.

Habang jersey ni Bryant sa Los Angeles Lakers ay kaniyang isinuot sa unang laro niya noong Oktubre 1996 preseason debut.

Magsisimula ang auction sa darating na Marso 21 sa New York.

Ang pinakamahal na jersey ni Jordan na naibenta ay ang suot niya noong 1998 NBA Finals na nabili sa halagang $10.1-M noong Setyembre 2022.

Habang ang Bryant jersey noong 2007-2008 Most Valuable Season ay naibenta sa halagang $5.8-M.

Other News
  • Watch ‘Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll’ in Select Cinemas

    THE fantasy anime film Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll is now showing in select cinemas nationwide.     Cinemas are allowed to operate at 50 percent capacity in modified general community quarantine (MGCQ) areas.     The Japanese animation film is a side-story of Violet Evergarden, based on the popular anime series. The […]

  • Abiso ni PDu30 na baka maulit ang lockdown dahil sa bagong COVID variant, hindi dapat pang ipagtaka -Malakanyang

    BAHAGI na ng estratehiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng lockdown ngayong panahon ng pandemya.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may posibilidad na muli itong ipatupad sa layuning mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng sakit.   Aniya, hindi naman nahinto […]

  • Walang taas-pasahe basta may fuel subsidy – transport

    HINDI hihirit ng dagdag pasahe ang mga transport groups kung magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno.   Ito naman ang kondi­syon ng Magnificent 7 kaugnay ng pagtataas ng presyo ng diesel at gasolina bukas.   Sa panayam kay Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburb Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG-MASDA) President Roberto “Ka Obet” Martin, sinabi nito […]