• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jimmy Butler, maglalaro na sa Golden State Warriors

MAGLALARO na sa Golden State Warriors si dating Miami Heat star Jimmy Butler matapos ang matagumpay na trade deal sa pagitan ng dalawang koponan.

Kapalit ni Jimmy si NBA champion Andrew Wiggins at ang bagong-pasok na guard na si Dennis Schröder. Kasama rin sa deal ang bench na si Kyle Anderson at isang protected first-round pick.

Ang matagumpay na trade ay bahagi ng 5-team deal na kinabibilangan ng Utah Jazz, Detroit Pistons, at Toronto Raptors.

Sa kabuuan, mapupunta si Buttler sa GS, habang mapupunta si Wiggins at PJ Tucker sa Miami.

Si Dennis Schroder ay mapupunta sa Utah, habang sa Toronto Raptors naman maglalaro ang bench na si Kyle Anderson. Sa Detroit, mapupunta ang shooter na si Lindy Waters kasama ang Heat bench na si Josh Richardson.

Maliban sa trade, tuluyan ding pumirma si Butler ng 2-year extension sa Golden State na nagkakahalaga ng $121 million. Ito ay magtatagal hanggang sa 2026-2027 season.

Sa loob ng pananatili ni Butler sa Miami, nagawa niyang madala ang kaniyang koponan sa NBA Finals ng dalawang beses.

Sa kabilang dako, naging malaking tulong din sa Golden State ang presensya ni Wiggins, daan upang maibulsa nila ang pinakahuling kampeonato noong 2022. Si Wiggins ang nagsilbing starting forward sa playoff run hanggang sa mismong championship.

Other News
  • Ads March 7, 2022

  • Binata kulong sa pagnanasa sa dalagang pinsan sa Navotas

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 19-anyos na lalaki matapos pasukin at pagnasaan ang kanyang pinsang buo habang natutulog ang dalaga sa loob ng silid nito sa Navotas City.     Naaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 araw ng Lunes ang binatang suspek na itinago sa pangalang “Gardo” makaraang maghain ng […]

  • PDu30, papayagan ang emergency use ng coronavirus vaccines-Sec. Roque

    PAPAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use ng coronavirus vaccines at inaprubahan na ang advance payment sa kanilang private developers.   Tinatayang 8 buwan na ngayon simula ng ipatupad ang iba’t ibang degree ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.   Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapalabas si Pangulong Duterte ng  executive order para […]