JIMUEL, handa nang makipagbasagan ng mukha sa loob ng ring; mas gusto ang boxing kesa mag-showbiz
- Published on September 14, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI man gusto ni 8-time boxing champion na si Manny Pacquiao na may sumunod sa kanyang yapak bilang boxer, handa na si Jimuel Pacquiao na makipagbasagan ng mukha sa loob ng ring.
Nagti-training na para maging boksingero si Jimuel sa Wild Card Boxing Gym kung saan kasama niya si Jonas Sultan.
Pinaghahandaan ni Jimuel ang kanyang laban this month sa YouTuber na si Boy Tapang.
Kung si Pacman ang masusunod, hindi siya pabor na maging boksingero ang kanyang panganay. Alam niya kung gaano kahirap ang maging isang boxer at ayaw niyang pagdaanan ito ng kanyang anak.
Pero tulad niya, passion din ng kanyang anak na si Jimuel ang boxing kaya hindi siya nakatanggi when his son asked for his blessing.
Ang tanging hiling ni Pacman ay maging amateur boxer lang muna ang kanyang anak at huwag muna umakyat sa professional ranks.
Alam ni Jimuel na may pressure na nakasampa sa kanyang balikat lalo dahil sa impresibong boxing career ng kanyang ama subalit determinado at handa si Jimuel na gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng boxing.
“The pressure is always there, laging nandoon kahit sa pagbo-boxing. Hindi naman ito maiiwasan. But I take it as a challenge and I wanna make a name for myself. I believe I can do it,” pahayag ng binata sa mga kanyang previous interviews.
Nakagawa si Jimuel ng isang iWant series para sa ABS-CBN pero mas gusto niya ang boxing kaysa showbiz.
***
MULING gumaganap ng gay role si Christian Bables sa Joel Lamangan film na Bekis On The Run.
Gay man ang role ni Christian sa movie. Iba naman ito sa roles niya sa Die Beautiful at Panti Sisters kung saan bading na bading talaga siya at cross dresser pa. Pero nakatulong naman daw ang pagganap niya sa mga nasabing movie para magampanan niya ang role niya credibly sa Bekis on the Run.
Kasama rin sa movie si Diego Loyzaga, na gumaganap na kuya ni Christian.
The movie also stars Kylie Verzosa as Adriana, ang ex-gf ni Diego at at si Sean De Guzman as Martin, na ex-boyfriend naman ni Christian.
Nakatrabaho na ni Sean si direk Joel sa launching film niya na Anak ng Macho Dancer at Lockdown kaya sanay na ito sa torrid kissing at bed scene.
Pero nakumbinsi ni Direk Joel si Christian na magkaroon ng bed scene at torrid kissing scene with Sean.
Bukod sa pagiging isang comedy-drama film, tatalakayin din ng Bekis On The Run ang corruption at ang hindi pinag-usapan na mga bading na miyembro ng military.
At dahil gawa ito ni direk Joel, siguradong may matinding statement ito about corruption.
Nakatakdang ipalabas ang Bekis on the Run sa Vivamax on September 17.
***
MATINDI ang epekto ng COVID-19 sa entertainment industry.
Maraming nawalan trabaho. Since nagsimula ang pandemya ay nagsara ang mga sinehan at hindi pa rin nagbubukas up to now.
Kahit na itinuloy ang Metro Manila Film Festival 2020 ay via streaming lang ang mga film entries kaya mababa lang ang kinita ng mga entries, unlike noong may sinehan at pwedeng dayuhin ang screening sa mga malls.
May annunsiyo na ang MMFF Execom para sa mga interesadong sumali sa MMFF this year. May abiso na sila kung kailan ang deadline ng submission ng entries.
Pero wait and see pa rin ang attitude ng mga producers. Paano ka nga naman sasali kung wala pa rin sinehan kung saan pwede ipalabas ang entries.
Mahirap na naman sumugal sa festival kung sarado pa rin ang sinehan at via streaming lang ang panonood dahil tiyak na maliit lang ang kikitain ng producers na susugal sumali sa festival.
Pero siyempre ang mga taga-movie industry ay umaasa na matatapos din ang pandemya at makababalik rin ito sa dating kalakaran na pwede ng buksan ang sinehan.
May mungkahi na buksan ang sinehan pero ‘yung mga bakunado lamang ang pwedeng manood. Kailangan din na sumunod sa ipinapatupad na safety protocols.
Papayag naman kaya ang IATF, considering na mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 cases sa bansa?
(RICKY CALDERON)
-
Saso nais ang ika-3 panalo
SINIMULAN na kahapon ni Yuka Saso ang kampanya sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship sa The Classic Golf Club sa Fukuoka Prefecture buhat 10 araw na sapat na pahinga, paglilimayon at pamimili. Puntirya ng 19-anyos, may 5- 5 na taas na Fil-Japanesena dalagang tubong San Ildefondo, Bulacan, na higitan ang ika-13 puwesto […]
-
PBBM sa TYPHOON-WEARY PINOYS: Handa ang gobyerno para sa bagyong ‘NIKA’, iba pang bagyo
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga typhoon-weary Filipino na ‘fully mobilized’ ang local at national government para protektahan ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Sa sidelines ng Seatrade Cruise (STC) Asia 2024 Welcome Reception sa Parañaque City, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang government response teams ay ‘on the […]
-
Tokyo Olympics organizers, handang i-refund ang mga tickets
NAG-ALOK ng refund ang organizers ng Tokyo Olympics sa mga nakabili na ng tickets sa Japan. Ito ay dahil sa nililimitahan na lamang ang mga manonood sa bawat events dahil sa banta pa rin ng COVID-19. Ayon sa Tokyo organizing committee na maaaring mag-refund ang mga taga-Japan na nakabili ng tickets mula Nobyembre […]