• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jimuel Pacquiao tagumpay ang US debut

TAPOS na ang makulay na professional boxing career ni Manny Pacquiao habang nagsisimula pa lang ang kanyang anak na si Jimuel.

 

 

Panalo kaagad ang naitala ng 20-anyos na si Jimuel matapos talunin si American Andres Rosales sa kanilang three-round, junior welterweight amateur fight kahapon sa House of Fights sa San Diego, California.

 

 

Ito ang US amateur boxing debut ng anak ni ‘Pacman’ na nag-training sa Wild Card Boxing Gym ni Hall of Famer Freddie Roach sa ilalim ni Pinoy trainer Marvin Somodio.

 

 

Matutulis na jab at mabi­gat na right straight ang naging sandata ni Ji­muel para talunin si Rosales.

 

 

Noong Disyembre ay nakakuha si Jimuel ng amateur boxing license kasunod ang pakikipag-ensayo sa mga Filipino boxers sa Wild Card Gym.

Other News
  • DOH: COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat na sa halos 330,000

    NASA halos 330,000 na ang tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw nag-ulat ang ahesya ng 2,825 na mga dagdag na kaso ng sakit. Kaya naman ang total ay umakyat pa sa 329,637. Nasa 12 laboratoryo ang bigo umanong makapag- submit […]

  • Kung understated si Ruffa bilang Madam Imelda Marcos: DIEGO at ELLA, naging mahusay ang pag-arte dahil kaeksena si CESAR

    KUNG attendance lang ang basehan para masabing successful ang isang event, masasabing matagumpay ang red carpet premiere ng ‘Maid in Malacanang’ na ginanap noong Friday, July 29 sa SM The Block Cinemas 1, 2 and 3.   Maraming dumalo sa premiere ng movie. Hindi lang namin alam kung puno lahat ang tatlong sinehan kung saan […]

  • Sinabihang ‘masama ang ugali’ nang makita sa mall: GABBI, nagulat din na kayang makipagsabayan kina JODI at JOSHUA

    KILALANG mahuhusay na artista ang mga kasabayan ni Gabbi Garcia sa serye na ‘Unbreak My Heart’ tulad nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at iba pang supporting cast, pero nagawa ni Gabbi na hindi magpahuli at makipagsabayan sa mga ito.   “Siguro it’s really all hard work and disiplina po. And ang dami ko […]