• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jobless Pinoy sumirit sa 2.16 milyon

TUMAAS nang may 2.16 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pagsisimula pa lamang ng 2025 o nitong Enero, batay sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Labor Force Survey.

Sinabi ni Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Divina Gracia del Prado, ang mga jobless individual ay may edad 15 pataas. Mas mataas ito sa 1.63 million unemployed individuals noong December 2024.

Sa naturang percentage, nasa 50.65 million Filipino sa labor force ang aktibong humahanap ng trabaho at pagkakakitaan sa naturang period. Ang bilang ng jobless persons para sa unemployment rate ay 4.3%, mas mataas sa 3.1% month-on-month.

Sa unemployment rate na 4.3% ay nangangahulugan na 43 sa bawat 1,000 indibidwal ay walang trabaho o walang pinagkakakitaan noong Enero 2025.

Bumaba rin ang mga taong may hanapbuhay sa nasabing panahon sa 48.49 milyon mula sa 50.19 milyon noong Disyembre 2024.

Sinabi naman ni Del Prado na karaniwang tumataas ang employment rate tuwing Disyembre dahil sa panahon ng Kapaskuhan at bumababa pagsapit ng Enero dahil sa pagbaba ng demand para sa mga manggagawa.

Other News
  • GOBYERNO NG PINAS, HIHIRAM NG $300 MILLION PARA BUMILI NG BAKUNA LABAN SA COVID -19

    HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mga mahihirap at dedma sa Class ABC.   “[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that […]

  • Gustong maka-collab si Jung Kook ng BTS: SARAH, gumawa ng history sa ‘Billboard Women in Music Awards 2024’

    GUMAWA ng history si Pop Superstar Sarah Geronimo bilang first Filipino na pinagkalooban ng “Global Force Award” sa Billboard Women in Music Awards 2024.   Naganap ang naturang event noong March 7, na idinaos sa YouTube Theater, Inglewood, California.     Ka-level ni Sarah G sa natanggap na parangal mula sa Billboard Women in Music […]

  • May rekomendasyon ang anak para ‘di na maulit: Pamilya ni EVA DARREN, tinanggap na ang apology ng FAMAS after ng ’snubbing’ incident

    TINANGGAP na ng pamilya ng veteran actress na si Eva Darren ang apology na pinadala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences’ (FAMAS).         Nag-viral nga ang sinasabing hindi raw sinasadyang pang-i-snub sa awarding ceremony nitong Linggo na ginanap sa The Manila Hotel, na kung saan pinalitan ng baguhang singer si […]