• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jobless tumaas ng 1.8% nitong June – SWS

Tumaas ng may 1.8 percent o may 13.5 milyong katao ang jobless noong nagdaang Hunyo dulot ng umano’y mahabang panahon ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic.

 

 

Ito ay batay sa lumabas na SWS survey nitong June na may 27.6 percent o 13.5 milyon ang jobless mas mataas ng 1.8% kumpara sa 25.8% noong Mayo o may 12.2 milyong kataong walang trabaho.

 

 

Ayon sa SWS survey ang mga jobless ay mga taong boluntaryong umalis sa dating trabaho, mga naghahanap ng trabaho at mga natanggal sa trabaho dahil sa pandemic.

 

 

Ang jobless rate sa Metro Manila ay tumaas sa 40.9% noong June. Ang  unemployment rate sa nala-l­abing bahagi ng Luzon ay tumaas ng 7 points mula Mayo dahil umabot ito sa 30.9% noong Hunyo. Ang  jobless rate sa Visayas ay 21.3% at 19.2% sa  Mindanao.

 

 

Mas marami ang jobless sa hanay ng mga kababaihan na umaabot sa 38.3% noong June habang sa mga kalalakihan ay nasa 19.8%.

Other News
  • DILG: 94% ng ECQ ayuda sa NCR, naipamahagi na

    Iniulat ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na umaabot na sa 94.73% ang ayuda na natapos nang ipamahagi sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na ipinairal ng pamahalaan noong Agosto 6 hanggang 20.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at […]

  • ‘Pagkampeon na naman ni Obiena sa Poland, magandang senyales sa pagsabak sa world championships’

    ALL SET na sa nalalapit na mas malaking event sa buwan ng Marso ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos na magkampeon na naman sa Orlen Copernicus Cup sa Poland.     Naghahanda kasi si Obiena para sa prestihiyosong World Indoor Athletics Championships na gaganapin sa Belgrade mula March 18 hanggang March 20.   […]

  • COVID-19 death toll worldwide nasa 4,300 na – reports

    NADAGDAGAN pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).   Sa bagong data (as of March 11), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.   Pinaka-marami ang iniulat mula sa Italya na […]