JOHN, level-up na ang career dahil isa na sa direktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Cornerstone, ang talent agency ni John Prats, na nag-level up na ang career ng dahil isa na rin siya direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.
In fact, nabasa na nga name ni John bilang isa sa co-directors ng action-drama series ng ABS-CBN.
By accident ang pagpasok ni John sa pagdidirek. Ang unang nagbigay ng break sa kanya as a director ay sina Angelica Panganiban at Sam Milby.
Nag-produce silang magkakaibigan — Angge, Sam at John — para sa first concert noon ni Moira dela Torre at wala raw silang director.
Dahil bago pa lang sila sa business at kulang sa budget kaya nag-decide ang magkakaibigan na kay John ipadirek ang concert.
Successful naman ang first major concert ni Moira at marami ang humanga sa trabaho ng newbie director.
Ilang concert pa ang naidirek ni John. After that ay kinuha na siya ng ABS-CBN para magdirek ng It’s Showtime!
Siya ang pumalit sa dating director at creator ng programa na si Bobet Vidanes.
Kaya bukod sa pagiging artista ng FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin, may bagong trabaho si John as a director.
HABANG ang ibang dating Kapuso stars ay pinili na lumipat sa ABS-CBN namely Janine Gutierrez at Sunshine Dizon, mas pinili ni dating Kapamilya actor John Lloyd Cruz na pumirma ng kontrata sa Kapuso Network
Isang sitcom ang nakatakdang gawin ni Lloydie sa kanyang bagong network na labis ang kagalakan matapos piliin ng actor to make his showbiz comeback sa Kapuso Channel.
Ever since he started his career ay sa Dos na nakilala si Lloydie. Bagets pa siya when he did the youth-oriented drama series na Tabing Ilog.
Now that he is with GMA, may chance kaya na gumawa ng project si John Lloyd with Bea Alonzo, na Kapuso star na rin?
Maraming box-office movies na pinagsamahan sina Bea at John Lloyd when they were still with ABS-CBN and Star Cinema.
***
KAHIT na eager na mag-promote ng pelikula kung saan isa siya sa lead stars, nalungkot ang artista dahil ayaw siyang payagan ng kanyang management team.
Maganda pa naman ang role niya sa movie at marami ang pumuri sa kanyang performance.
Bakit nila kaya ayaw payagan sa promo ang artista eh kasama sa trabaho niya na i-promote ang movie?
Buti pa ‘yung artista nauunawaan na dapat siyang mag-promote ng pelikula. Naniniwala siya na dapat maging masipag siya sa promo para maraming manood ng movie nila.
(RICKY CALDERON)
-
DOH handang magpa-¬audit sa biniling COVID-19 vaccines
HANDA ang Department of Health (DOH) na magpasailalim sa auditing ukol sa mga biniling COVID-19 vaccines makaraang madiskubre ng Senado na hindi pa ito naisasagawa ng Commission on Audit (COA). “On the subject of COVID-19 vaccine expenditures, the DOH is ready to coordinate and comply with the COA’s auditing process and provide all […]
-
US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies
INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong. Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan […]
-
Dagdag na buses at e-jeepneys pinayagan ng bumalik sa operasyon
May 3,400 passenger buses at 3, 500 na modernized jeepneys ang pinayagan ng bumalik sa operasyon sa second phase ng gradual operations ng mga commuter vehicles sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago na nagbukas ng 15 bagong routes ang Land […]