JOHN LLOYD, tuloy pa rin ang sitcom sa GMA-7 at posibleng magtambal rin sila ni BEA
- Published on September 17, 2021
- by @peoplesbalita
MATAPOS mabalitang nakipag-usap na si John Lloyd Cruz kay GMA Executive Ms. Annette Gozon-Valdes, pinag-usapan na ng mga netizens kung lilipat na si Lloydie sa GMA Network.
Nabalita rin na ipagpu-produce siya ni Willie Revillame ng isang sitcom sa GMA na ididirek ni Bobot Mortiz. Pero nawala na ang balitang iyon at hindi na raw matutuloy.
Sumunod na nabalitang gagawin muna ni Lloydie ang isang movie na pagtatambalan nila ng paborito niyang leading lady, si Bea Alonzo, mas uuanahin daw ito ni Bea kaysa sa movie na gagawin naman niya with Alden Richards sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment, dahil Kapuso na siya.
Sumunod na nabalitang nagkakaroon daw ng problema sa talent fee ni Lloydie.
But now, balita na tuloy na raw talaga ang sitcom na gagawin ni Lloydie at pinag-aaralan na lamang ang talent fee niya.
Ang tanong din, kung tuloy pa bang si Andrea Torres ang magiging leading lady ni Lloydie?
***
BACK to work na muli si Asia’s Nightingale Lani Misalucha, as one of the Panel Judges ng original GMA musical competition na The Clash na nasa fourth season na.
Matatandaan na hindi natapos ni Lani ang work niya sa The Clash 3 at pinalitan muna siya pansamantala ni Concert Queen Pops Fernandez.
Nagkaroon kasi siya at ang husband niya ng tinatawag na bacterial meningitis, kaya na-confine sila ng ilang araw sa ICU ng isang ospital. Nawalan ng balance si Lani at nahirapang makarinig ang isang ear niya.
Kaya nang mag-guest si Lani sa GMA morning show na Unang Hirit at kinumusta siya ng UH Barkada, sagot ni Lani: “Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko.
“Okay na kami, and thankful, pero siyempre, tulad ng kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin.”
Ngayong maayos na ang kalagayan ni Lani, regular na rin siyang napapanood every Sunday sa noontime show na All-Out Sundays at magsisimula na silang mag-taping ng mga episodes ng The Clash 4 with Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Aiai delas Alas.
Mga hosts pa rin sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at Journey hosts naman sina Ken Chan at Rita Daniela.
***
HAPPY si Sofia Pablo na among the Prima Donnas stars na kasama niya sina Jillian Ward at Althea Ablan, siya ang unang mapapanood bago ang pagbabalik ng book two ng kanilang GMA Afternoon Prime.
Gaganap si Sofia na sirena sa second offering ng Regal Studio Presents: Raya Sirena. Na-excite si Sofia nang i-offer sa kanya ang role ng isang sirena sa biggest telemovie collaboration of the year ng GMA Network at Regal Entertainment. First time niya kasing gaganap bilang isang mermaid.
Makatatambal ni Sofia ang co-vlogger at best friend niyang si Allen Ansay, ang first runner-up ng StarStruck 7.
Directed by Easy Ferrer, mapapanood ang weekly anthology this Sunday, September 19, 8:30PM sa GMA-7, after ng Amazing Earth.
(NORA V. CALDERON)
-
Dahil kumpleto ang kanyang mga anak: NORA, tiyak sobrang saya sa celebration ng kanyang 70th birthday
TIYAK na sobrang saya ng nag-iisang Superstar at Nationa Artist na si Nora Aunor sa celebration ng kanyang 70th birthday noong May 20, isang araw bago ang kaarawan noong May 21. Nakumpleto kasi ang mga anak ni Ate Guy sa naganap na selebrasyon sa isang hotel sa Quezon City na kung saan […]
-
Kaso vs Kapitan Roxas, Rosales sa Korte gumulong na
ITINAKDA na nang korte ang ‘Arraignment and Pre-Trial’ ng kaso laban kina Brgy. Kaligayahan, Quezon City Chairman Alfredo “Freddy” Roxas at Admin Assistant Guillermo “Butch” Rosales sa darating na Agusto 28, 2024. Naunang isinampa noong Oktubre 27, 2023 ni Marvin Miranda, dating kagawad at residente ng Brgy. Kaligayahan ang kaso sa Office of the […]
-
Ads July 6, 2022