• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jose Cardinal Advincula itinalagang Archbishop of Manila ni Pope Francis

Inanunsiyo ngayon ng Vatican ang pagtatalaga ni Pope Francis kay Jose Cardinal Advincula bilang bagong arsobispo ng Archdioces of Manila.

 

 

Si Advincula bilang ika-33rd na arsobispo ng maynila ang ipinalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle na siya na ngayong prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na nakabase sa Roma, Italya.

 

 

Mula pa noong February 2020 ay walang arsobispo ang Maynila at si Bishop Broderick Pabillo muna ang itinalagang apostolic administrator.

 

 

Noong buwan naman ng Nobyembre ng nakalipas na taon ay pormal na hinirang ng Santo Papa si Advincula bilang bagong kardinal ng Simbahang Katolika.

 

 

Ang 68-anyos na si Advincula ang kauna-unahang cardinal mula sa Archdiocese of Capiz.

 

 

Ipinanganak siya noong March 30, 1952 sa bayan ng Dumalag sa Capiz.

 

 

Naordinahan siya bilang pari noong taong 1976.

 

 

Si Advincula na isa ring canon lawyer, ay nagsilbi bilang obispo ng San Carlos sa loob ng 10 taon bago siya hinirang na arsobispo ng Capiz noong November 2011.

 

 

Nagsilbi rin siya sa mga seminaries ng Vigan, Nueva Segovia at regional seminary ng Jaro, Iloilo.

 

 

Ikaapat si Advincula sa living Filipino cardinals, kasama si Cardinal Tagle, at ang dalawang mahigit 80-anyos na sina Cardinal Orlando Quevedo at Cardinal Gaudencio Rosales.

Other News
  • Face-to-face classes bawal pa rin- Malakanyang

    MAY paghahanda nang ginagawa ang  of Education (DepEd) para sa  limited face-to-face classes.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila ng  bawal pa rin ang nasabing  set- up para sa pag-aaral ng mga estudyante.   Giit ni Sec. Roque, hindi pa rin payag si Pangulong Duterte sa tradisyunal na harapang pagka-klase […]

  • RIDER TODAS SA DUMP TRUCK

    ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, […]

  • World number 1 tennis star Ashleigh Barty magreretiro na

    INANUNSIYO ni tennis world number 1 Ashleigh Barty ang kaniyang pagreretiro.     Sa kanyang social media ay isinagawa ng 25-anyos Australian tennis star ang kaniyang pagreretiro.     Sinabi nito na naibigay na niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa paglalaro.     Masaya aniya ito sa kanyang desisyon at handang tanggapin ang anumang […]