• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw

LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa isang programa na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Sentrong Pangkultura sa lungsod na ito kahapon.

 

Kinatutuwaang tawagin ng kanyang mga estudyante bilang “Inang”, itinatag at pinamunuan ni Meneses, isang guro sa Bulacan State University, ang BulSU Lahing Kayumanggi (LKDT) na nagsilbing inspirasyon sa mga pangkat mananayaw hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

 

Itinanghal ng ilang pangkat mananayaw sa lalawigan kabilang ang Bulacan Agricultural State College Liping Tagalog Folkloric Group, Hiyas ng Hagonoy Folkloric Group, Iba National High School Dance Troupe, Indak Guiguintenyo, Sining Bulakenyo, Sta. Cruz Elementary School Troupe, at BulSU LKDT ang kanilang pinakamagandang piyesa ng katutubong sayaw bilang pagbibigay parangal sa kanilang namayapang Inang.

 

Hinangaan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang husay ni Meneses sa pagsasayaw na hindi niya sinarili bagkus ay ibinahagi at ipinasa niya sa kanyang mga estudyante, na siya ding hiling ng gobernador para sa susunod pang henerasyon.

 

“Sa kanyang pagtatag ng BulSU Lahing Kayumanggi, nakalikha siya ng isang komunidad kung saan malayang nasasaliksik, napapaunlad at naipamamalas ang pagmamahal sa sining ng pagsasayaw ng mga kabataan. Sa mahabang panahon ng kanyang pagtuturo ay naihubog niya hindi lamang ang galaw at indak ng kanyang mga mag-aaral, lalong higit ay naitimo niya ang kanilang disiplina, pagpapahalaga at tiwala sa sarili,” anang gobernador.
Samantala, inalala ng unang pinsan ni Meneses na si Miriam Roxas-Kho kung paanong ayaw umalis ng kanyang pinsan sa Pilipinas kahit pa pinipilit siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang malalim na pagmamahal sa kanyang propesyon at sa mga kanyang estudyante sa pagsayaw.

 

“On behalf of our whole family, lubos po ang aming pasasalamat at kasiyahan ng aming mga puso sa inyong pagpapahalaga sa kanyang buhay, sa kanyang naitulong sa kultura ng sayaw. Ang buong pamilya po namin ay nagpapasalamat sa pagmamahal na pinapakita po ninyo sa kanya, sa tribute na ito. Hindi po namin ito makakalimutan,” ani Roxas-Kho. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sen. Ping Lacson, kumalas na sa Partido Reporma, Robredo na ang susuportahan sa pagkapangulo

    NAG-ANUNSYO na ng kanyang pagbibitiw mula sa Partido Reporma ang presidential candidate na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kahapon, Huwebes.     Nangangahulugan ito na magiging independent candidate na lamang siya.     Pero tuloy pa rin umano ang pagtakbo nito para sa presidential race sa darating na Mayo 9, 2022.     Si Lacson, […]

  • Trillanes, sinopla ni Roque

    vMARAMING mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na bumababa na ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group.   “Hindi […]

  • Valenzuela namamahagi nang learning packets at modules sa mga mag-aaral

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga libreng backpacks o school kits na naglalaman ng mga notebook at kagamitan sa paaralan sa lahat ng mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod na nagsimula noong Agosto 25, 2020.   Kasama ang DepEd-Valenzuela, ang naka-iskedyul na pamamahagi […]