• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUANCHO, naiyak sa tuwa sa sorpresa ni JOYCE sa first wedding anniversary

SINORPRESA ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring, mga segment hosts ng GMA Network morning show na Unang Hirit ang mga co-hosts nila Last February 9.

 

 

     Bigla kasi nilang in-announce na may coming baby na sila, sabay pakita sa sonogram ng 19 week-baby nila.

 

 

Ang saya ng atmosphere sa studio na talagang nagulat sa announcement nina Juancho at Joyce.

 

 

Sa Unang Hirit nagsimula ang love story nina Juancho at Joyce nang pareho silang kuning segment hosts ng show na dumadayo sila iba’t ibang lugar sa bansa para maghatid ng saya at mamigay ng premyo sa mga pa-contest na ginagawa nila, kaya doon minabuti ng mag-asawa na i-announce ang kanilang sorpresa.

 

 

Ikinasal sina Juancho at Joyce noong February 9, 2020 sa Sofitel Plaza Manila.  Kaya naman doon din nila ginawa ang first anniversary dinner nila last Monday, February 8, at na-shock si Juancho sa sorpresa ni Joyce na anniversary gift nito ay inabot sa kanya ang pregnancy test result nito.

 

 

     “Iyak ako nang iyak sa tuwa,” sabi ni Juancho sa interview sa kanila ni Joyce sa show.

 

 

“Wala kasing sinasabi si Joyce kaya talagang sorpresa sa akin at sa amin ding family na preggy na siya.”

 

 

Hindi pa nila alam ang magiging gender ng baby nila, pero magkakaroon daw sila ng gender reveal announcement kapag meron na.

 

 

***

 

 

MAGKASUNOD na nag-renew ng exclusive contract sina Kapuso actress Glaiza de Castro at Kapuso actor Ken Chan last Monday, February 8 sa GMA Network, sa harap ng mga top executives ng GMA Entertainment Group.

 

 

Nagpasalamat si Glaiza sa GMA Network na patuloy na binibigyan siya ng mga magagandang projects, kaya proud siya bilang isang Kapuso. Bukod sa regular siyang napapanood sa All-Out Sundays, labis ang pasasalamat ni Glaiza na ibinigay sa kanya ang upcoming GMA series na Nagbabagang Luha na gagampanan niya ang role ni Lorna Tolentino sa movie version nito, katambal si Kapuso actor Rayver Cruz.

 

 

At home being a Kapuso naman si Ken, na sobrang sarap daw sa pakiramdam ang muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa GMA.

 

 

“Yung matawag ka pa lang na ‘Kapuso,’ sobrang sarap na sa pakiramdam.”

 

 

Regular ding napapanood si Ken sa All-Out Sundays at ngayon ay nakahanda na siya sa lock-in taping ng upcoming drama series na Ang Dalawang Ikaw na muli nilang pagtatambalan ni Kapuso actress Rita Daniela.

 

 

Very challenging ang role ni Ken na ita-tackle ang character niya na may Dissociative Identity Disorder (DID).

 

 

***

 

ISANG pre-Valentine presentation ang mapapanood sa natatanging pagtatanghal ng Catch Me Out Philippines hosted by Jose Manalo with Celebrity Spotters Derrick Monasterio at Cacai Bautista.

 

 

Two amateurs ang mga contestant, a full-time mom na magpi-perform kasama ng mga Goddesses of Belly Dancing at isang vlogger/live streamer na makakasama naman ay mga professional beatboxers.

 

 

Kung isa sa kanila ay mapapaniwala nila sa 10 Celebrity Catchers na professional siya,  magkakamit siya ng 100,000 pesos cash prize.

 

 

Napapanood every Saturday ang Catch Me Out Phiippines 7:15PM pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod

    TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan.   Ang race cut-off time ay 36 na […]

  • Claudine, balak kasuhan si Jodi sa pakikipag-relasyon kay Raymart

    “THE height!”   ‘Yun talaga ang naging reaksiyon/litanya namin nang malaman namin na posible raw kasuhan din ni Claudine Barretto si Jodi Sta. Maria dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Raymart Santiago.   As in the height! Parang ayaw na naming patulan at bigyan pa ng paliwanag bakit the height na gagawin pa yun ni Claudine. […]

  • PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO

    NANAWAGAN  ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”     Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito  ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.     “The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should […]