• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUDY ANN at RYAN, humabol para magpa-rehistro dahil gusto ng pagbabago; nanghihikayat ‘to unite and vote’

DAHIL na rin siguro sa pandemic at ang situwasyon na kinaharap ng mga Filipino sa bansa at sa nakikitang ginagawa lang ng gobyerno kung bakit tila mas marami ngayon, kahit sa mga artista ang tila “nagising” na.

 

 

Sunod-sunod ang mga artist ana nagpo-post ng kanilang pagpapa-rehistro sa Comelec. Akalain mo ‘yun na sa dami ng election na naganap, marami pala ang hindi pa talaga rehistrado at nae-exercise ang kanilang karapatang bumoto.

 

 

Katulad ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na humabol para magpa-rehistro.  Ayon sa Instagram post ni Juday, gusto raw nila ng pagbabago kaya nila ito ginawa.

 

 

      “Nakapag parehistro na kami! Yes! Gusto namin ng pagbabago… parehistro na po ang mga hindi pa nagreregister. May isang Linggo pa para makapagpaparehistro. Let’s all UNITE and VOTE!,” ang paghihikayat niya.

 

 

***

 

 

KAHIT na bagong kasal, dalawa o tatlong araw lang yata nagsama bilang mag-asawa sina Kris Bernal at ang mister niya na si Perry Choi.

 

 

Si Kris kasi ang napili na pumalit kay Jackie Rice para sa role nito sa bagong gagawing teleserye ng GMA-7 na Artikulo 247. 

 

 

Makakasama ni Kris dito sina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Mark Herras. 

 

 

At kahit nga kakakasal lang at dapat siguro ay nasa honeymoon phase pa sila ng mister, maiiwan na ito ni Kris ng isang buwan.

 

 

Kaya hindi pa rin talaga sila magkakasama sa isang bahay bilang mag-asawa. Two days lang after ng wedding nila ay aalis na si Kris at diretso na sa lock-in taping.

 

 

Pagod na pagod na raw siya. Given naman dahil kahit may mga wedding organizer, iba pa rin ang pagod na magpakasal.

 

 

So, sey ni Kris sa kanyang Instagram stories, “Gusto kong umiyak sa pagod.  I’ll have a lock-in taping for a teleserye starting tomorrow and it will last for more than a month.

 

 

      “I just started packing but seryoso, pagod na pagod ako.”

 

 

At saka niya sinundan ng mga crying emojis.

 

 

Pero for sure, kahit sinasabi nitong pagod at wala pang time na ma-feel na siya ay misis na, tiyak na masaya ito na muling makagawa ng serye sa Kapuso network at knowing na may trabaho siya.

(ROSE GARCIA) 

Other News
  • Tom Cruise’s Return as Pete “Maverick” Mitchell and His Daredevil Attitude

    A brand new Top Gun: Maverick trailer highlights Tom Cruise’s return as Pete “Maverick” Mitchell.     With less than a week to go before the Joseph Kosinski blockbuster hits theaters, Paramount is continuing its marketing efforts to keep the hype going until the Top Gun sequel premiere.     In a new promotional spot, […]

  • SSS nagpaalala sa deadline ng pagbabayad ng contribution sa NCR Plus areas

    Nagpaalala ang Social Security System (SSS) ang mga employer na hanggang Abril 30 na lamang ang deadline ng remittances ng February contributions ng kanilang empleyado.     Sinabi ni Aurora Ignacio ang SSS president and chief executive, ang mga deadline ay para lamang mga employer na nasa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na […]

  • Mga laro sa NBA posibleng magbalik pagkatapos ng 1-2 araw

    Posibleng maibalik ang mga laro sa NBA sa Sabado at Linggo ang mga laro sa NBA.   Sinabi ni NBA executive vice President Mike Bass, na ito ay matapos ang pagkansela ng mga laro nitong Huwebes at Biyernes.   Magpupulong pa aniya ang kanilang NBA board para sa nasabing desisyon.   Magugunitang nakansela ang mga […]