• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUDY ANN, malakas ang laban na makapag-uwi uli ng Best Actress trophy para sa ‘Espantaho’

PARA sa amin, matapos mapanood ang 50th MMFF entry na “Espantaho” ay tunay naman napakalakas ng laban ni Prime Superstar Judy Ann Santos sa pagka-best actress.

 

Dalawang Santos daw ang mahigpit niyang makakalaban, sina Vilma Santos para sa ‘Uninvited’ at Aicelle Santos para ‘Isang Himala’.

 

Ang suspense-horror film na mula sa direksyon ni Chito S. Roño, na magpapatili sa mga manonood simula ngayong December 25, ay tiyak ding mapapansin ang dramatic scenes ni Juday, kasama sina Lorna Tolentino at Chanda Romero na parehong nagpakitang gilas sa husay sa pag-arte, na kung saan pinalakpajaan sa ginanap na premiere night.

 

Kasama rin sa “Espantaho” sina Mon Confiado, Janice de Belen, JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Tommy Abuel, at Eugene Domingo. Mula sa Quantum Films, CineKo Productions at Purple Bunny Productions.

 

Kaya naman marami ang pabor at humuhula, na posibleng makapa-uwi naman si Juday Best Actress trophy sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal na magaganap sa December 27 sa Solaire Resort Manila.

 

Five years ago, si Judy Ann ang tinanghal na Best Actress sa 45th Metro Manila Film Festival hail sa mahusay niyang pagganap as “Mindanao.”

 

“Grabe naman, alam niyo, sa lahat naman ng mga review na ganyan, ‘yung masabing ganu’n, maaaring cliché pakinggan, palagi naman nilang sinasabi na best actress ka rito, pero sa totoo lang, napakaraming magagaling,” panimula ni Juday sa intimate Christmas lunch na pinatawag niya para media friends.

 

“Maraming silent movie na hindi mo masasabi na pwedeng maging Best Picture, Best Actor, maging Best Actress.

 

“Kasi, ang daming magagaling talaga sa latag ngayon ng mga entries. Pero, para mapansin ang trabaho naming lahat sa ‘Espantaho,’ I think, we did a very good job. That alone, nakakataba ng puso.”

 

Wish talaga ng marami lalo na ‘yun unang nakapanood ng ‘Espantaho’ ay siya nga ang manalo ng acting award, “Sana, pero, tingnan natin, basta ako masaya na ko na tumawid ang trabaho namin sa mga tao. Naramdaman nila. ‘Yung pagod, hirap, emosyon na ibinigay namin. Natakot sila, kahit paano.

 

“Napakalaking Christmas bonus kung sakali man. Kasi, nandiyan sina Ate Vi (Vilma Santos), Aicelle (Santos), Julia (Barretto), ang daming mahuhusay. And noong nakita ko yung latag ng mga trailer nila, ang titindi rin ng mga bata, ha!

 

“Kumbaga, kumakasa rin sila sa aktingan. Nakaka-proud, nakakatuwang isipin na marami na ang sumeseryoso sa larangan ng pag-arte. Na hindi na lang ito basta pera-pera na lang.”

 

Anyway, happy and contented na raw siya sa personal life, kaya ganun na lang ang pasasalamat sa kanyang asawa na si Ryan Agoncillo, sa pagsuporta sa kanyang showbiz career.

 

Marami naman siyang isinakripisyo para marating ang kinalalagyan niya ngayon, “Marami ka ring matututunan. Marami ka rin kailangang i-let-go ang pain na pagdaraanan at realization din. At ‘di mo alam, ito na pala ang contentment na hinahanap mo.

 

“Ang dasal ko na lang ngayon gabi-gabi, for our kids to have a better future. Chance for a better life at magkaroon ng option in life at makita naming mag-asawa kung ano ang propesyon nila kapag matatanda na sila,” sey pa premyadong aktres.Solid na solid pa rin ang kanilang relasyon kahit na may demarcating na pagsubok, “Parang sa pundasyon naman ng pagkakaroon ng asawa, maraming pwedeng mangyari na blindsided ka. Pwedeng ngayon, okay na, okay kayo.

 

“Sa susunod na buwan, may pagdaraanan kayo. Para sa akin, as long as may trust kayo sa marriage niyo, may communication kayo nang maayos and you respect each other’s time and pagkatao.”

 

Dagdag pa niya, “At kung ang center ng pagmamahalan niyo ay ang isa’t isa at ang Panginoon, anchored kayo properly. Saka feeling ko, importante rin na may sarili kayong ginagawa on the side.

 

“Hindi pwedeng araw-araw, kayong dalawa na lang basta at the end of the day, tayo pa rin. Basta may faith kayo sa isa’t isa.”

 

Normal naman na nagkakaroon ng away o ‘di pagkakaintindihan ang mag-asawa, at aminado naman si Juday.

 

Pero kung ang ibang mag-asawa ay sinasabing hindi nila tinutulugan ang kanilang problema, iba raw sila ni Ryan.

 

“Hindi po kami ganu’n. May pinipili siguro ang ganu’n. Kasi siyempre, minsan mainit ang isyu, very emotional. Ako rin personally, itulog muna natin ‘to, pagnilay-nilayan muna natin ‘to.

 

“Although I know, ina-advice ng maraming tao ‘yan, but hindi applicable sa lahat,” pahayag pa ni Judy Ann na mapapanod nga sa ‘Espantaho’ ngayong Pasko, kaya sugod na sa mga sinehan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads October 15, 2020

  • Nakahanda na ang material at nagkausap na sila: VILMA, mukhang matutuloy nang makatrabaho si Direk BRILLANTE

    SI Vilma Santos ang artistang nais makatrabaho ni Brillante Mendoza dahil hindi pa naididirek ng batikang direktor sa kanyang mga pelikula.   Pero ang magandang balita, dahil aktibo na muli si Vilma sa paggawa ng pelikula ay nagkaroon na sila ng pag-uusap para sa isang proyekto. “Okay na, mag-aayos na kami ngayon,” pahayag ni Brillante. […]

  • Trillanes, muli na namang sinopla ng Malakanyang

    SINOPLA ng Malakanyang si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV nang sabihin nito na ire-reject ng mga botanteng Filipino ang “Duterte brand” sa eleksyon sakali’t magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na sumali at tumakbo sa presidential race.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque , ang resulta ng 2022 presidential at vice presidential […]