JULIA, malaki ang pasasalamat kay Direk BRILLANTE sa ‘di malilimutang experience sa ‘Bahay Na Pula’
- Published on November 15, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATAPOS na pala ng isang pelikula si Julia Barretto na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza, ang Bahay Na Pula na soon ay ipalalabas sa Vivamax.
Muli niyang makakasama ang isa sa leading man sa serye ng Di Na Muli na pinalalabas sa TV5 na si Marco Gumabao at kasama rin si Xian Lim.
Sa IG post ni Julia ganun na lang ang pasasalamat niya kay Direk Brillante, “It’s a wrap as Jane in Bahay Na Pula. An experience I will cherish forever.
“Thank you @brillante_mendoza I have learned so much from you and will take it all to heart.”
Masuwerte si Julia na dahil isa nga siya sa Viva Princess, hindi talaga mawawalan ng project at ngayon nga nakatrabaho pa niya ang premyadong direktor, kaya tiyak na mapipiga ang kanyang pag-arte.
Say naman ng mapagmatyag na netizens:
“She is Viva new princess. Viva makes a looot of movies btw. But looks like none of them hits. It is like made by Viva and for Viva audience only.”
“Taray ni julia noh? nega image siya and hindi marunong umarte pero sunod sunod ang mga pelikula.”
“Sa Viva naman merong projects whether movie or sa TV 5 para sa artists nila gaya nila AJ Raval, Donnalyn, Marco Gumabao, Diego Loyzaga, etc. Ang tanong eh pumapatok ba o may nanonood.”
“Marunong naman siya umarte na. Nakita ko dati yung clip ng Maribella sobrang bano niya. Pero a few years later nung napanood ko ulit, marunong naman na siya.”
“She is undeniably beautiful.”
“She’s a good actress. Looking forward to this movie.”
“Daming ganap! You go girl! Basta always remember be humble lang lagi and always trust the process.”
***
SIMULA ngayong Lunes, ibinabalik ng GMA Network ang romance-fantasy series na Ang Lihim ni Annasandra sa Afternoon Prime block.
Ang original drama series ay pinagbidahan ng Kapuso leading lady na si Andrea Torres ang alluring but street-smart vendor na si Annasandra.
Kasama niya bilang leading man sina Mikael Daez as William Benitez, at Pancho Magno as Enrico, na parehong iibig kay Annasandra.
Kasama rin si Rochelle Pangilinan bilang Esmeralda, ang mysterious mountain dweller na isusumpa si Annasandra to na maging awok.
Part din ng cast sina Glydel Mercado, Emilio Garcia, Ma. Isabel Lopez, Arthur Solinap, Joyce Burton, Cris Villonco, Gab de Leon at Erika Padilla.
Ang Lihim ni Annasandra ay mula sa direksyon ni Albert Langitan.
(ROHN ROMULO)
-
DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’
NAGLAAN ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo. Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga […]
-
Ilang mga hotel sa NCR tatanggap na ng staycation – DOT
Nasa halos 6,000 na mga kuwarto mula sa 13 staycation hotels sa Natonal Capital Region (NCR) ang binuksan ng Department of Tourism (DOT) para sa mga bisita. Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pangunahin pa rin na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bisita at tourism workers. Kanilang na-inspect na […]
-
Pagbubukas ng klase tuloy kahit may monkeypox – DOH
WALA umanong dahilan para maantala ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa kabila ng pagkakadiskubre ng unang kaso ng monkeypox sa bansa dahil sa mga itinakdang “safeguards” ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Sinabi ni Vergeire na katuwang ang Department of Education (DepEd) ay palalakasin nila […]