Jullebee Ranara, inilibing na
- Published on February 7, 2023
- by @peoplesbalita
INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5.
Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa paglilibing kay Ranara.
Sinabi ni Santos na bukod sa 20 pulis, naka-deploy din ang mga miyembro ng local traffic enforcers at ilang mga tauhan niya ang ipinoste sa loob ng sementeryo.
Nakipaglibing din ang 2 kapatid ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinaslang din sa Kuwait noong 2018.
Ayon kay Joyce Demafelis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pamilya Ranara.
“Sana mabigyan po [sila] ng hustisya agad-agad, hindi gaya sa amin, sobrang tagal po, at sana mabigyan na din po hustisya sa amin,” ani Demafelis.
Una nang nadiskubre ang sunog na bangkay ni Ranara noong Enero 22, 2023 sa isang disyerto sa Kuwait na pinaniniwalaang pinaslang matapos halayin at mabuntis umano ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo. (Daris Jose)
-
Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open
UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic. Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19. Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]
-
Tangkang pag-aresto ng PNP kay Quiboloy, nakaaapekto na sa imahe ng Davao City – VP Sara
NAKAAAPEKTO na sa imahe ng Davao City ang nagpapatuloy na tangkang pag-aresto ng kapulisan kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy, at sa kapwa akusado nito. “It is true that the city’s image and the residents’ businesses in Davao City were affected. Flights were disrupted in the […]
-
600K na deactivated voters, nagpa-reactivate
MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung […]