Kaabang-abang ang full trailer ng MMFF entry: Lakas ng ’Topakk’ nina ARJO, mararamdaman na ngayong Pasko
- Published on November 18, 2024
- by @peoplesbalita
“SA wakas!! Masaya kaming team TOPAKK na mapapanood niyo na lahat ito!!!
Kaya sa Dec 25, makipag-TOPAKKan na!!!! Damay damay na ‘to!”, ito ang caption ni Sylvia Sanchez tungkol sa ng announcement ang “Topakk” na entry sa 50th Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.
Caption sa social media post ng Nathan Studios Inc., “The internationally acclaimed Pinoy action film—first shown in Cannes and premiered in Locarno—is coming home this December. Ang lakas ng #Topakk, mararamdaman niyo ngayong Pasko!
“Stay tuned for the poster drop on November 19 and full trailer release on November 20. Damay-damay na ‘to.”
Samantala, matagal na ngang hinintay ng cast na mapanood ang hard-action movie dahil hindi pa nila napanood matapos mag-ikon sa ibang bansa at doon nag-world premiere.
Kaya sa ginanap ang cast screening last November 16, ay nasipagdatingan ng buong cast na excited mapanood ang kabuuan ng pelikula.
Noong nagsimula na ang movie ay bigla raw tumahimik ang lahat at walang tumatayo, dahil maraming puwedeng ma-miss.
At pagkatapos mapanood ang ‘Topakk’ ay nagkamayan silang lahat at ‘yung iba nagyakapan. Kitang-kita sa mga mukha nila na kuntento sila sa napanood, lalo na sina Julia Montes, Sid Lucero at Arjo, na puring-puri sa kani-kanilang pagganap.
Inamin din ng cast na excited na sila mag-promote ng movie, pagpunta sa mga mall shows at pagsakay na pasabog at ginastusang float.
Mapapanood na nationwide ang hard-action movie na pang-international ang pagkakagawa, simula sa December 25.
***
LUBOS ang pasasalamat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), na pinamumunuan ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, sa Senado ng Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, matapos pumasa sa plenaryo ang P164-milyong badyet ng Ahensya sa 2025.
Pinasalamatan din ng Board si Jinggoy Estrada, ang Senate Pro Tempore, bilang sponsor ng badyet.
Wala pang dalawang minuto ang itinagal ng deliberasyon nang aprubahan noong Nobyembre 14 sa plenaryo ang badyet dahil wala ni isang senador ang tumutol.
“Malaking tulong ang pondong ito sa mga plano namin na maisulong ang isang ‘Responsableng Panonood tungo sa Bagong Pilipinas’ ayon sa lakbay-tanaw ni Pangulong Marcos,” sabi ni Chair Sotto-Antonio “Dahil din sa suporta ng ating kongreso, patuloy kaming magsisikap na mapataas ang kamalayan ng publiko sa tamang paggamit ng media.”
Idiniin din ni Sotto-Antonio ang tatlong haligi ng “Responsableng Panonood (RP)”: Responsableng Panonood, Responsableng Paggabay; at Responsableng Paglikha.
Inilunsad ng administrasyong Marcos ang “Tara, Nood Tayo!” noong Nob. 12, isang informercial na layong itaas ang kamalayan sa industriya ng paglikha at ng pamilyang Pilipino sa tamang pagpili ng mga palabas na panonoorin.
Mula sa bagong badyet ay ilalaan din ang pagbili ng mga makabagong kagamitan at pagpondo sa mga proyektong pagsasanay para sa mga empleyado ng Ahensiya.
(ROHN ROMULO)