• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaabang-abang ang next vlogs dahil may special guests: SHARON, ipinasilip ang nakare-relax na farmhouse nila sa Cavite

IPINASILIP ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga tagahanga ang kanilang farmhouse sa Cavite, na kung saan doon daw nila karaniwang sinasalubong ang Bagong Taon.

 

 

Ayon sa Megastar ang naturang farmhouse ay nagsisilbing nilang santuwaryo mula sa mga stress sa work at city life.

 

 

“I love this house because it’s very cozy… Every now and then, we visit because we love how relaxing it is here. Pagpasok namin, wala na ‘yung stress,” sabi ni Sharon.

 

 

Pinakita niya sa vlog na may titulong ‘MEGA – Farmhouse Holiday Wonderland’, na napapaligiran ito ng iba’t-ibang puno at halaman, ang bahay ay may three bedrooms, living at dining area, kusina, at maluwag na balkonahe.

 

 

Pinalamutian ang kanilang tahanan na may parehong Filipino at American-themed na Christmas decor na makikita sa buong bahay.

 

 

Kasama rin sa farmhouse ang mga piraso mula sa kanilang lumang tahanan sa Cavite, tulad ng two-piece center table, lighting fixture, at accordion glass door, na inamin niyang may kamahalan.

 

 

Ang gaganda ng mga Christmas collections ni Sharon, katulad ng mga snow globes at Christmas villages. Tuwang-tuwa rin niyang ipinagmalaki ang mga Parol mula sa Pampanga.

 

 

Inamin din ni Mega na, “My wish is for us to be able to extend the house to make it a little bigger, ‘pag tapos na ‘yung ibang kailangang bayaran.

 

 

“So we can accommodate more friends.”

 

 

Panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog sa Sharon Cuneta Network sa Youtube, dahil marami pa siyang ipakita sa loob ng kanilang maganda at kaakit-akit na farmhouse.

 

 

Excited din niyang binalita na maraming upcoming vlogs ang dapat abangan this 2023, at may surprise guests din siyang makakasama.

 

 

For sure, labis yun ikatutuwa ng kanyang mga followers dito at sa ibang bansa.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • “Walk of faith” isasagawa sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno

    INIHAYAG  ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na magkakaroon ng Walk of Faith sa Enero  2023 bilang bahagi ng kapistahan ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez, ibinahagi nitong bagamat ipagpaliban ang nakagawiang prusisyon ng […]

  • EJ Obiena wagi ng gold medal sa Sweden

    Nagwagi ng gold medal sa Philippine pole vaulter Ernest John Obiena sa Folksam Athletics Grand Prix na ginanap sa Gothenburg, Sweden.     Naging malinis ang performance nito sa 5.70 meters sa unang attempt nito.     Tinalo nito si defending Brazilian Olympic gold medalist Thiago Braz.     Mayroon pang dalawang torneo na sasalihan […]

  • POC board may sey sa eleksyon

    BAHALA na ang Executive Board ng Philippine Olympic Committee (POC) sa kahihinatnan sa planong eleksiyon na nahaharap sa panibagong problema sa parating na Nobyembre 27.   Ito ay makaraan na isang miyembro ang nagpahayag na iatras ang halalan dahil sa kasalukuyang Covid-19 base general assembly ng pribadong organisasyon sa sports sa nakaraang Miyerkoles.   “It […]