• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaabang-abang ang pagbabalik sa serye: RICHARD, sobrang na-miss ang kulitan nila ng mga co-stars

MATATAPOS na ang ating paghihintay dahil sa wakas ay muling mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Richard Yap.

 

 

Ang Chinito actor ang gumaganap sa karakter ni Doc RJ sa serye na siyang tunay na ama ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth (Carmina Villarroel).

 

 

Sa isang panayam, nag-iwan si Richard ng ilang pahayag tungkol sa pagbabalik ng kanyang karakter sa afternoon series.

 

 

Ayon sa aktor, masosorpresa ang viewers ng ‘Abot-Kamay na Pangarap’ sa kanyang pagbabalik.

 

 

“Unexpected but a very pleasant surprise,” pahayag ni Richard.

 

 

Ilang panahong namalagi si Doc RJ sa ibang bansa dahil doon siya ipinagamot ng kanyang asawa na si Moira (Pinky Amador) at ng kanyang ama na si Mang Joselito/Lolo Pepe (Leo Martinez).

 

 

Ibinahagi rin ni Richard na sobrang na-miss niya ang kanyang co-stars sa trending na inspirational-medical drama series.

 

 

Sabi niya, “Na-miss ko ‘yung kulitan namin behind the scenes even though nakikita na very dramatic ‘yung mga eksena namin.

 

 

Sa pagbabalik ni Doc RJ, kaabang-abang ang ilang twist na mapapanood kaugnay ng kanyang pagbabalik sa kanyang pamilya at sa APEX Medical Hospital.

 

 

Kabilang din sa hindi dapat palampasin ay ang mga gagawin ni Doc RJ sa kanyang wicked wife na si Moira.

 

 

***

 

 

HINDI katakatakang patuloy na namamayagpag sa box office ang ‘Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience’ dahil maging ang mga miyembro ng cast ng serye ng GMA ay nag-e-effort para sa kanilang obra.

 

 

Tulad ni Matt Lozano na personal na nagsagawa ng isang exclusive block screening, na kung saan gumaganap siyang Robert “Big Bert” Armstrong.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa private screening ang kapwa niya Sparkle artists, ang celebrity chefs na sina Jose Sarasola at JR Royol.

 

 

Present din ang pamilya, malalapit na kaibigan, at ilang fans ni Matt.

 

 

Samantala extended sa mga SM cinemas ang ‘Voltes V Legacy: The Cinematic Experience’ hanggang May 2 bago ang TV airing nito sa GMA sa May 8.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang

    DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.     Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.       Makikitang nagkaroon […]

  • Christmas message ni VP Sara Duterte, sumentro sa pagpapatawad, pag-unawa, respeto at pagmamahal

    SUMENTRO sa pag-unawa, respeto, at pagmamahal ang naging Christmas message ni Vice President Sara Z. Duterte.       Sa inilabas na video ng Office of the Vice President (OVP na tumagal ng halos dalawang minuto, sinabi niya na ang ang kapanganakan ni Hesus ay isang mensahe ng kapatawaran na sumasailalim sa walang kapantay na […]

  • BBM: MURANG BIGAS SA BAWAT HAPAG-KAINAN NG PAMILYANG PINOY

    TINIYAK ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na magkakaroon ng murang bigas na hanggang P20 kada kilo sa kanyang administrasyon matapos siyang manalo sa darating na halalan sa Mayo 9.     Ayon kay Marcos, isa sa pangunahing layunin niya ay magkaroon ng subsidiya ang presyo ng bigas sa […]