• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kabastusan sa mga jeep at tricycles, iayos a rin!

MAY isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumabiyahe.

 

Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep.
Gaya raw halimbawa ng mga rap song na may lyrics na “huwag ka paiy*# girl … huwag ka pai?0t”…meron pa ‘yung isang kanta na ang sabi … “mas gusto mo ba na dinidi&*an ka…kasi gusto mo na binx@bayo kita.”

 

May mga sticker din daw na puro pambabastos sa mga kababaihan at walang respeto at paggalang ang mga mensahe.
Nababastos po ang ilang mga babaeng pasahero lalo na ang nanay na nagsusumbong kasi madalas kasama nya ang anak na babae na 11-taong gulang pa lang. Meron din na mga tricycle na may mga stickers ng gagamba na ang sabi – “Miss pasapot naman”.

 

Sana raw ay hindi nabibigyan ng prangkisa ang mga public transportation na ganyan. Dapat ipagbawal ang mga malalaswang tugtog sa jeep at mga malalaswang mga sticker lalo at hindi naman mapipigil o mapipili ang mga sumasakay sa jeep at tricycle.

 

Ayon sa sumbong, madalas magpatugtog ng mga bastos ang mga jeep na ito lalo kapag may mga high school students na mga babaeng pasahero.

 

Minsan pa nga raw ay yung nga bastos na salita ay nakasulat pa sa mga tshirts ng drivers. Nakikiusap ang nanay na nagsumbong, na sana ma-regulate ang mga ganitong bastos na mga drivers lalo na yung ang mga ruta ay kung saan maraming mga menor-de-edad ang sumasakay. Sana ay makarating sa mga kinauukulan ang mungkahi ng nanay na nagsumbong. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • LeBron at Lakers lumakas ang loob na babandera muli sa NBA dahil sa 11 bagong teammates

    Lumakas daw ang loob ngayon ng Los Angeles Lakers na makabangon mula sa pagkabigong maidepensa ang kanilang korona noong nakalipas na NBA season.     Ito ay makaraang makuha ng team ang umaabot sa 11 mga bagong players kasama na ang dating MVP na si Russell Westbrook mula sa Wizards.     Ang ilan sa […]

  • Russian attack submarine, naispatan

    NAISPATAN kamakailan ang isang Russian Attack Submarine sa katubigan ng Pilipinas na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay nakakabahala.     Kinumpirma rin ito ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force on ther West Philippine Sea .   Gayunman, ang ibang detalye ay ipinauubaya na lamang ng PCG sa Philippine Navy.   Sinabi naman […]

  • NBA All-Star Game 2021, kanselado na dahil sa COVID-19 pandemic

    Kinansela na ng NBA ang nakatakdang All-Star Games dahil sa coronavirus pandemic.   Gaganapin sana ito mula Pebrero 12-14 sa Indianapolis at ito ngayon ay ni-rescheduled sa 2024.   Sinabini NBA Commissioner Adam Silver, na dismayado sila sa hindi natuloy na All-Star Game ay umaasa sila na matutuloy na sa 2024 sa paghost ng Indiana […]