• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kabuuang utang ng gobyerno noong 2024, tumaas sa P2.56-T – BTr

TUMAAS ang gross borrowing o kabuuang utang ng Marcos administration noong 2024.
Ito ay sa gitna ng malakihang pagtaas ng mga panloob at panlabas na utang, base sa report ng Bureau of Treasury (BTr).
Sa datos ng bureau, lumalabas na lumobo ng P370 billion ang kabuuang utang noong nakalipas na taon. Ito ay katumbas ng halos 17 porsyentong pagtaas mula sa P2.19 trillion noong 2023.
Lumagpas ng P350 billion ang kabuuang utang ng gobyerno noong nakalipas na taon sa borrowing plan ng administrasyon. Ito ay halos 16 na porsyentong mas mataas kumpara sa naka-program na P2.21 trillion para sa naturang taon.
Sa panloob na utang, umakyat ito ng P290 billion, kayat tumaas ito sa kabuuang P1.92 trillion sa pagtatapos ng 2024. Ito ay katumbas ng 75% ng kabuuang utang noong nakalipas na taon. Ilan sa mga dahilan ay matapos magtaas ang bureau ng P1.11 trillion mula sa fixed-rate Treasury bonds (T-bonds), pero mas dinoble pa ng gobyerno ang borrowings nito mula sa retail T-bonds sa P584.9 billion mula sa P252.091
Dinoble din ng treasury ang mga borrowings nito ng Treasury bills para sa short-term debt noong nakalipas na taon sa P224.3 billion.
Samantala, sa panlabas na utang noong 2024, tumaas din ito ng mahigit P82 billion, kayat pumalo ito sa kabuuang P641.2 billion sa pagtatapos ng naturang taon. Ito ay lagpas sa planong foreign borrowings ng gobyenro na P606.9 billion. Ilan naman sa dahilan ng pagtaas ng panlabas na utang ay ang program loans, global binds at bagong mga utang para sa mga proyekto ng pamahalaan.
Other News
  • Pagbibitiw ni Duque iginiit

    Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.     Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health […]

  • Japan, nag-alok na ng tulong sa Pilipinas

    NAG-ALOK na ng tulong ang Japan sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makita at mailigtas na ang mga posibleng naiipit na biktima ng 7.0 magnitude earthquake kamakalawa.     Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense Assistant Secretary Rafaelito Alejandro sa naging pag-uulat nito sa  ginawang situation briefing kay Pangulong […]

  • Pagbibigay ng free legal aid sa uniformed personnel, magpapalakas sa morale, productivity ng law enforcers

    ANG  pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.     Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang […]