• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit 1 laban lang ngayong 2020, asam ng Team Pacquiao

Umaasa pa rin ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao na makakalahok pa rin sa kahit isang laban ang 8-division world champion bago matapos ang taong kasalukuyan.

 

Pero aminado si Sean Gibbons, presidente ng MP Promotions, malabo pa rin sa ngayon na makapagsagawa sila ng laban bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.

 

“You got to remember there are a lot of things that have to happen. And first off all, COVID-19 rapidly needs to slow down,” wika ni Gibbons.

 

Inamin din ni Gibbons na nananatiling top market ang US para sa isang Pacquiao fight, kahit na naghayag ng interes ang Saudi Arabia na mag-host ng laban ng Fighting Senator bago pa man ang pandemya.

 

“If they (Saudi Arabia) would come around, that would be good for the senator because he really wouldn’t have to miss that much time like he does when he comes to the U.S.,” anang matchmaker.

 

Maliban dito, isa rin sa kanilang mga konsiderasyon ang schedule ng senador.

 

“His time to fight is generally July-January, July-January due to his schedule in the Senate,” ani Gibbons.

 

Huling nakipagbakbakan si Pacquiao noong nakaraang taon nang magwagi ito sa pamamagitan ng split decision kontra sa dating walang talo na si Keith Thurman.

Other News
  • NBA legend Bill Russell pumanaw na, 88

    PUMANAW na si NBA Legend Bill Russell sa edad na 88-anyos.     Kinumpirma ito ng kanyang kampo, subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.     Isang kilalang basketbolista si Russel mula pa noong ito ay nasa high school pa.     Nagwagi ito ng dalawang state championsip sa high school, […]

  • Kongreso, inaprubahan na ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase

    APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase o ang House Bill (HB) No. 6772.     Nakakuha ito ng 273 na boto, samantalang tatlong hindi pabor sa mababang kapulungan kung saan ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindehin ang increase ng premiums […]

  • COVID-19 VACCINE SA LRT STATION

    MAKAKATANGGAP na ng COVID-19 vaccines ang publiko sa Antipolo station ng Light Rail Transit Line 2 simula  araw mula Lunes hanggang Sabado.     Inanunsyo ng LRTA nitong Linggo ang pinalawig na iskedyul habang pinapataas nito ang immunization drive nito sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod ng Antipolo.     Dati, ang vaccination site sa istasyon […]