Kahit na aktor din at producer sa pelikula: ALDEN, pangangatawan na talaga ang pagiging direktor
- Published on February 22, 2024
- by @peoplesbalita
KALOKA ‘yung manonood lamang si Jaya ng concert ni Regine Velasquez sa California ay naksidente pa ang Queen of Soul at ilang mga kaibigan.
Si Jaya mismo ang nag-post at nagkuwento kung ano ang nangyari sa pamamagitan ng kanyang Instagram account
Sa Napa Valley, California naganap ang pagbangga ng isang sasakyan sa kanilang sinasakyang SUV Jeep.
Sa Graton Resort and Casino, California naman sana patungo sina Jaya para manood ng ‘Regine Rocks’ na nasa USA ngayon.
Kasama ni Jaya ang kaibigang doktor na si Dr. Josephine Weber at pinsang si Merly Escolta nang maganap ang aksidente.
Post ni Jaya sa kanyang IG, “On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V’s concert…when all of a sudden we get into a car collision. My friend Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back.”
Maayos naman ang kalagayan ni Jaya pero si Dr. Weber ay namaga ang kamay at ang kaibigan niyang si Merly ay kasalukuyang nasa ospital para sa kanyang dialysis.
Nakaligtas man ay may ay warning si Jaya sa lahat.
“Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you’re a back seat passenger.”
Agad namang nagpadala ng mensahe ng pag-aalala si Regine sa kanyang kaibigan at kapwa singer… “Oh, my goodness. Are you [okay]?”
Sinagot ito ni Jaya ng, “@reginevalcasid Love you Mare sorry di ako nakarating sa concert mo and thank you Pare @ogiealcasid.”
***
PANGANGATAWANAN na talaga ni Alden Richards ang pagiging direktor.
Hindi nga ba at sa isang eksena sa pelikula niyang ‘Five Breakups and a Romance,’ ay naging direktor si Alden?
Pero this year, full-pledged director na si Alden kahit na nga ba ayon sa interview sa kanya ni Cata Tibayan sa ‘Chika Minute’ para sa 24 Oras, ay inamin ni Alden na mahirap maging isang director, producer at actor sa isang proyekto.
“But I took on the challenge of doing the directorial job while being a producer and an actor because I wanted the challenge of it.
“I wanna see myself how I work under pressure under those hats that I’m wearing at the same time,” lahad pa ni Alden.
Dagdag pa niya, “I can see myself from afar whenever I direct, I’m a different person.”
Still on Alden, one for the books raw ang naging experience niya sa ginanap na Manila International Film Festival sa California kung saan isa sa mga kalahok ang pelikula nila ni Sharon Cuneta na ‘Family of Two’.
“Ang sarap pang gumawa lalo ng pelikula para sa kanila because ang mga Pilipino po, lalo abroad, isa sa mga kaligayahan na gusto nilang makita ay mga pelikulang Pilipino.
“Kailangan gawin nating somehow stable sa ating karera in the industry kasi that’s another way of giving back.”
Bukod sa pelikula niyang ginagawa na hindi pa nire-reveal ang titulo, busy na si Alden sa ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series nila nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Ashley Ortega at David Licauco sa GMA.
“Ito ‘yung pagma-materialize kasi ng kuwento ng lola ko sa ‘kin nung bata ako because my grandparents are World War 2 babies and we are at a setting of the Japanese occupation dito sa Pilipinas,” lahad pa ni Alden.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Brazil football legend Pele itinakbo sa pagamutan
Itinakbo sa pagamutan si Brazilian football legend Pele. Ayon sa anak nito ng si Kely Nascimento na patuloy ang paggaling ng ama sa Albert Einstein Hospital sa Sao Paolo. Unang naiulat kasi na nagkaroon ng “general swelling” ang 82-anyos na football legend na itinanggi naman ng anak nito. Noong Setyembre 2021 kasi […]
-
Laro’t Saya sa Parke binalik ng Philippine Sports Commission
Optimistiko sina Laro’t Saya sa Parke Program Manager Dr. Lauro ‘Larry’ Domingo at may pasimuno ng proyekto na si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr na babalik ang sigla ng mga komunidad sa grassroots sports matapos ang mahigit dalawang taong tengga sanhi ng pandemya. Nasilip ito ng dalawang opisyal kasama si LSP […]
-
One dose vaccine, bakunang gagamitin sa mga Pinoy seafarers- NTF against COVID 19
SINASABING one shot vaccine ang rekomendado nina vaccine czar secretary Carlito Galvez jr na iturok para sa mga Pinoy seafarers. Sinabi n Galvez, kanila itong naikunsidera lalo na’t biglaan ang pagsampa ng mga ito sa barko. Aniya, nakita nilang pinaka-convenient para sa mga seafarers ay ang Johnson & Johnson. Maliban dito ay […]