• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto hindi muna makakasama sa mga laro ng Gilas ngayong taon

TULUYAN  ng hindi isinama ng Gilas Pilipina sa lineup si Kai Sotto para sa third window ng FIBA Asia Cup 2025 sa Agosto.
Sinabi ni Gilas coach Tim Cone, na maaaring tumagal pa ng isang taon ang paggaling ni Sotto sa kanyang torn ACL sa tuhod nito kaya imposible na makasama siya sa torneo na gaganapin sa Saudi Arabia.
Dahil dito ay target nilang makasama si Sotto sa World Cup qualifiers sa susunod na taon.
Umaasa naman si Cone na magiging matagumpay ang isasagawang operasyon ni Sotto sa buwan ng Pebrero.
Bilang kapalit ng 7-foot-2 na si Sotto ay si Troy Rosario na sasabak na sa Asia Cup Finals Qualifiers sa susunod na buwan.
Dito ay makakaharap ng Gilas ang Taiwan at ang New Zealand.
Magugunitang natamo ni Sotto ang kaniyang injury sa paglalaro niya sa Japan B. League nitong Enero.
Other News
  • SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN

    ANG simbahan  bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.”     “Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan […]

  • Walang kinatatakutan ‘wag lang pakakantahin: COCO, mabilis na tumakbo nang abutan ng mic ni SHARON

    TUWANG-TUWA ang mga Sharonians dahil pasok na ang karakter ni Sharon Cuneta as Aurora sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.     Some Sharonians said na regular na silang manonood ng FPJAP dahil kay Mega at ang wish nila ay humaba rin sana ang role ni Ate Shawie based sa kwento.     Sharon plays the daughter […]

  • Ads July 17, 2024