Kailangan lang na maging masaya muna: XIAN, hindi na sinagot ang ibang personal na tanong
- Published on January 10, 2024
- by @peoplesbalita
NANANATILING Kapamilya si Jameson Blake na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic ng ABS-CBN.
May bago siyang serye pero hindi pa niya puwedeng i-reveal ang mga detalye tungkol dito.
Lahad ni Jameson, “It’s still under discussion pa. Pero yun, I’ll be doing a teleserye soon with ABS-CBN. I’m also doing another film.
“I also have endorsements coming up. So ayun, mga pasabog lahat. I’ll be revealing them bit by bit.”
Uso ang lipatan ng TV networks, maraming kapwa Kapamilya ni Jameson ang nasa GMA na; siya ba ay nakaisip na lumipat ng ibang TV station?
“Hindi naman pumasok sa isip ko. Kasi I’m still working, I’m still getting projects. Hindi siya parang dead air or something.
“I’m still surviving and I’m loyal to ABS-CBN. And I still feel the love from them na they’re still concerned about me, they still give me work.
“So everything is good and fine. So why will I think of switching?”
Ayaw magdetalye ni Jameson ng pagpapaseksing gagawin niya sa bago niyang pelikulang ‘Isla Babuyan’ kasama ng newbie actress na si Geraldine Jennings.
Hanggang saan ba ang kaya niyang pagpapaka-daring?
“Sa akin, basta no frontal. For now.
“You know, I’m still evolving as an actor. So, yung kissing scenes, bed scenes, they’re OK with me.
“Hindi naman ako parang maarte sa ganyan. Sa first movie ko pa lang, di ba, parang I broke the ice that time.
“So I think it’s parang weird if I tell people na I don’t wanna do that anymore,” sinabi pa ni Jameson.
Tampok din sa movie sina Lotlot de Leon, Dave Bornea, Nathalie Hart, Paolo Gumabao at James Blanco at introducing naman si Samantha Da Roza.
Line produced ito ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Abdel Langit.
***
OPEN book na sa publiko na hiwalay na sina Xian Lim at Kim Chiu.
Kaya natanong si Xian kung kung nasa estado na ba siya ngayon ng moving forward.
Lahad ni Xian, “Kailangan lang po talaga nating maging masaya muna. Unahin muna natin yun.”
Hindi na sinagot ni Xian ang iba pang personal na tanong tulad ng kung masaya ba siya ngayon.
Basta nagpapasalamat si Xian sa GMA at sa wakas, makalipas ng halos tatlong taon, ay eere na ang ‘Love. Die. Repeat.’ at na-retain siya kahit na nga ba naudlot ang taping ng serye dahil nabuntis at nanganak ang lead actress nitong si Jennylyn Mercado.
“Parang ako yung natakot na baka ako’y papalitan,” pag-amin ni Xian.
“Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn.
“Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.
“Uulit-ulitin ko yun na laking utang na loob ko yun.
“Kasi nung in-offer naman sa akin yung Love. Die. Repeat., wala pa po akong nagagawa sa kanila. Yung nakikita pa lang po yung nagawa ko sa other station.
“And I always say I’m grateful and, of course, kay Jennylyn, kasi siyempre i-approve pa niya kung sino ba ang makakatrabaho.,” pahayag pa ni Xian.
Kasama nila sa seryecsina Mike Tan, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, Victor Anastacio, Nonie Buencamino, Malu de Guzman at Samantha Lopez.
Sa ilalim ito ng direksiyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.
-
Maraming nagulat kaya nag-trending ang balita: RS at SAM, tikom pa ang bibig sa pagpapaalam ng flagship products ng ‘Frontrow’
LIBU-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng FRONTROW International sa socmed ngayon sa pag-anunsyo sa discontinuation ng flagship product niyo na Luxxe White. Trending agad ang announcement sa social media lalo na at reinforced pa ito ng isang malaking “Paalam, Luxxe White” (Goodbye, Luxxe White) billboard sa EDSA-Guadalupe. Sa ngayon, tikom pa rin ang […]
-
Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon
Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman […]
-
Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday
UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda. Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]