• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAKAI, mukhang idinaan na lang sa mga posts ang sagot sa ‘demand letter’ ng management ni MARIO MAURER

IDINADAAN nga ba ng Dental Diva na si Kakai Bautista sa mga posts ang sagot niya sa ipinadalang demand letter ng management ni Mario Maurer sa kanya?

 

 

Mula sa mga captions niya na, “Hooh hirap pag sobrang gandaa. Ismayl nalang si Tyang sa mga taonga yaw tumigil.” Hanggang sa, “BRB. Too busy loving myself. Too busy being grateful.”

 

 

At ang latest post niya na naka-one-piece swimsuit pa rin na, “Remind lang kita kung sino ka mang makakabasa nito: You are beautiful. In all shape, size and color.”

 

 

Grabe ang tagal na nilang nagkasama sa movie, mag-iisang dekada na yata pero hanggang ngayon, may mga ganitong isyu pa rin?

 

 

Nakakatawa nga ang resbakan ng mga fans ni Mario at mga supporters din naman ni Kakai.  Nandoon ang claim na kasi naman daw, ang tagal na nilang nagkasama, hanggang ngayon, binabanggit pa rin ni Kakai si Mario. Hindi na raw ito naka-move-on at parang ginagamit pa rin ang Thai actor.

 

 

Claim naman ng supporters ni Kakai, hindi na raw kasi napag-uusapan si Mario kaya may mga ganitong paandar. So, sino raw ang nanggagamit? Huh!

 

 

Sinubukan naman naming hingan ng komento o reaksiyon ang manager ni Kakai, pero dedma at hindi ito sumagot.

 

 

***

 

 

BAGAMAT dinaan ni Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang tungkol sa pagsusuot ng face shield gamit ang helmet na pang-motor bilang siguro raw, safe na safe siya, somewhere between the lines, meron din itong “kalabit” sa gobyerno sa pinost niyang message.

 

 

Grabe na naman kasi ang pag-surge ng COVID cases sa NCR, sa panahong sana, nagsisimula na ang pagbaba nito dahil sana, naire-regulate na ng mabilis ang pagbabakuna.

 

 

Sabi na lang niya, Pero seryoso, we really have to double up our efforts in helping mitigate the Pandemic, while waiting for the vaccine rollout. It is not yet time to relax and be complacent about our wellbeing — it ain’t over yet!

 

 

“So, we must make sure that we play our part as responsible citizens. I recall this tarp I saw recently that states, “You are responsible for protecting yourself, your family, the community, and the country.”

 

 

     “Pero siyempre, clearer short and long-term plans from our leaders will definitely help us all get through this in the quickest possible time.”

 

 

Sa isang banda, simula sa Lunes, sa GMA Telebabad ay muling mapapanood ang dati niyang serye, ang Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Maricel Soriano at Lovi Poe. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Elizabeth Olsen, Praises America Chavez actor Xochitl Gomez

    IN an exclusive interview with Screen Rant, Elizabeth Olsen who plays Wanda Maximoff/Scarlet Witch commends America Chavez actor Xochitl Gomez for her preparedness and bravado during the production of Doctor Strange in the Multiverse of Madness.      The MCU veteran compared Gomez to her younger self, stating that the 16-year-old actor was much more confident than she was when she first entered […]

  • Ads March 10, 2020

  • City Government of Davao, nakiisa sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino

    NAKIISA ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.   Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang liparin ng half-mast hanggang sa mailibing si Aquino.   “The City Government of […]