Kakulangan sa hospital beds para sa mga Covid -19 patients, hindi problema- PDu30
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
PINALUTANG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang posibilidad na i-take over ng mga awtoridad ang mga hotel sa bansa para tugunan ang kakulangan ng hospital beds para sa mga covid 19 patients.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk To the People, Huwebes ng gabi na maaari naman niyang kagyat na ipag-utos sa sa military at kapulisan na i-take over ang operasyon ng mga hotel subalit hindi aniya ito remedyo sa isang democratic state.
“I can order the authorities to take over the operations of hotels kung wala na talagang mga kama. Madali iyan. Hindi talaga problema yan,” ani Pangulong Duterte.
“When we are pushed to the wall even by the microbe itself or external, internal, I can always order the military and the police to go there and confiscate the operations of hotels. And even the medicines, I can go to wherever warehouse. But that is not really what you would call a remedy in a democratic state,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang hiniling ng Philippine College of Physicians sa gobyerno na gawing isolation unit para sa mga COVID-19 patient ang mga hotel dahil sa pagdami ng mga pasyente sa mga ospital.
Sa ulat, sinasabing fully booked na ang lahat ng hotel sa Metro Manila na kaakibat ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) at hindi na maaaring gawing isolation facility.
Sinabi ni PHOA president Arthur Lopez na ang 300 nilang hotel ay ginawa nang pansamantalang quarantine facility para sa mga umuwing OFW.
“Right now, all the hotels in the NCR are fully booked. Why do I say fully booked? Because OWWA has taken over these hotels for the OFWs that are returning back to the country. Wala na kaming maibigay na ibang hotel para gawing isolation facilities,” aniya. (Daris Jose)
-
Ads July 30, 2024
-
HEART, ‘di maka-move on na nalagay ang billboard ad sa Times Square, NYC
TUWANG-TUWA na ipinagmalaki ni Heart Evangelista-Escudero ang billboard ad niya sa pamosong Times Square sa New York City. Last Friday, January 8, nag-tweet si Heart tungkol sa bagong milestone sa kanyang buhay: “Waking up with my face in Time[s] Square NY is so surreal.” Kinabukasan, January 9, hindi pa rin maka-move on si […]
-
Pinay MMA fighter Zamboanga nanawagan kay Angela Lee na bakantehin ang titulo
SA kanyang Instagram, sinabi nito na dapat gawin ni Lee ang nararapat at ito ay ang pagbibitiw dahil hindi naman nito maidedepensahan ang kanyang titulo. Magugunitang inanunsiyo kamakailan ni Lee ang kanyang pagbubuntis mula sa partner na si Bruno Pucci. Sa panig ng ONE Championship na magsasagawa sila ng Women’s Atomweight Grand Prix […]