Kakulangan sa konsulta program providers, tugunan
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
UMAPELA si AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palakasin pa ang pagsusumikap nito na magdagdag ng accredited service providers para sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package na magbibigay ng access saprimary health care services sa mga miyembro ng PhilHealth.
Nangangamba ang mambabatas sa mababang bilang ng accredited service providers na nakalista sa programa na hindi sapat para tugunan ang pangangailangan ng mga PhilHealth members na nagnanais kumuha ng package.
“Kulang na kulang pa po ang mga providers para maserbisyuhan ang dami ng ating mga PhilHealth members. Sana po paigtingin pa ng Philhealth ang paghikayat sa mga providers na magpa-accredit at maging bahagi ng Konsulta Package program,” ani Reyes.
Batay aniya sa datos mula sa PhilHealth, hanggang nitong March 31, 2023, tanging 1,931 ang kasama sa Accredited Konsulta Providers na kabilang sa the programa na nangangailangan ng 5,014.
“Napakahalaga po ng proyektong ito ng PhilHealth dahil sa pamamagitan nito mabibigyan natin ng serbisyo ang ating mga kababayan lalo na sa mga lugar na hindi madali ang access sa primary healthcare,” dagdag ng mambabatas.
Sa ilalim ng PhilHealth Circular 2020-0022, sakop ng Konsulta Package ang individual-based health services tulad ng initial at follow-up primary care consultations, health screening and assessment, at access sa ilang diagnostic services at gamot.
Una nang naghain ang kongresista, vice chairman ng House Committee on Health, ng House Bill 430 na nagsusulong sa pagbibigay ng libreng annual medical checkups sa mga Pilipino kabilang na ang blood sugar at cholesterol tests (Ara Romero)
-
BATAS na nagpapaliban sa Barangay, SK elections sa Disyembre 2022 pirmado na
TININTAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglalayong ipagpaliban ang nakatakda sanang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 2022. Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act (RA) No. 11935, nito lamang Lunes, Oktubre 10, batas na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK elections na nakatakda sana sa Disyembre 5 […]
-
Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title
Napasakamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games. Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]
-
DAYUHANG TURISTA, BUBUKSAN NA SIMULA FEBRUARY 1
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa February 10, magbubukas na ang boarder ng bansa para sa pagpasok ng mga dayuhang turista. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay kasunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na insiyu noong Huwebes na […]