• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaligtasan, isinasaalang-alang ng mga Filipino sa COVID-19 vaccine

Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.

 

 

Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22.

 

 

Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento ng mamamayan ang mas isinasaalang-alang ang safety o kaligtasan sa epekto ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao, 17-porsiyento naman sa efficacy o bisa ng bakuna, habang walong porsiyento ang nais munang malaman ang country of manufacture o bansa kung saan ginawa ang gamot.

 

 

Lumabas din sa pag-aaral na nais din munang malaman ng anim na porsiyento ng mamamayan ang pagpapatotoo ng mga naunang nabakunahan at dalawang porsiyento naman sa layunin ng paggamit nito.

 

 

Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS, kinakailangan muna ng pamahalaan na bigyan ng malinaw na impormasyon at paliwanag ang publiko upang makuha ang tiwala at maging matagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19.

 

 

“To build trust and confidence in our vaccination efforts, government should provide the public with easily understandable scientifically based information and ensure everyone’s concerns are addressed easily and often,” ayon kay Sorita.

 

 

Binigyang-diin naman ni Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas, ang kahalagahan ng Bio-ethics sa mga vaccination plan, gayundin ang dapat na pagsasaalang-alang sa mga mahihirap na higit na nangangailangan nito.

 

 

Inisyatibo ng Radio Veritas ang survey na layong malaman ang mga dahilan at isinasaalang-alang ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sa mga pinuno sa buong mundo, kabilang sa mga naunang nagpabakuna laban sa virus sina US President Joe Biden, Queen Elizabeth at Prince Philip ng Britanya, at sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the XVI.

Other News
  • CHR, iniimbestigahan ang pag-atake laban sa election candidates, local officials

    NAGSIMULA nang imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-atake laban sa mga election candidates at opisyal sa buong bansa na nangyari bago at matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COC).   Kinondena ang pag-atake, sinabi ng CHR na nag-deploy na ito ng ‘quick response operation’ para imbestigahan at suriin kung ang pag-atake […]

  • MASSAGE PARLORS, TUTUTUKAN SA HUMAN TRAFFICKING

    TUTUTUKAN   ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga massage parlors na sangkot sa human trafficking ngayon na ang Metro Cebu ay gumaan ang quarantine restrictions .     Ito ay bunsod  sa pagkakaaresto ng NBI field office sa Mandaue City ang tatlong personalidad kasunod ng  simultaneous counter-human trafficking operation isa dalawang  massage parlors sa […]

  • Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19

    HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga  youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng  Cabinet Officer for Regional Development and Security for […]