• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaligtasan ng fans vs COVID-19, una sa PBA

PINAKAUNA sa lahat para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng mga manonood kaya tiniyak ng propesyonal na liga na nakalatag ang hakbang pangkaligtasan kapag nagbukas ang 45th season sa Linggo, Marso 8, sa likod ng coronavirus outbreak.

 

Inatasan ng PBA ang venues na ng bawat games na magkaloob ng medical supplies kagaya ng thermometer scan, hand sanitizer o alcohol para sa publikong miron.

 

Sa Araneta Coliseum ang pagbubukas ng Philippine Cup tampok ang nag-iisang laro ng defending champion San Miguel Beer at Magnolia sa rematch ng 2019 Philippine Cup finals.

 

“Yes, usapan na namin sa mga venue na sila ang magpo-provide nun (medical supplies),” bulalas kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Malaking bagay ‘yun. Tayong mga Pilipino, nag-iingat din.”

 

Sa taunang pagpaplano sa Milan ilang linggo pa lang ang nakararaan, si Marcial din ang nagmungkahi na mula sa dating Mar. 1 na iskedyul ng opening, pinagpaliban ito ng isang linggo dahil sa Chinese virus.

 

“Na-suggest ko ‘yun na i-delay muna para malaman natin kung ano ang mangyayari. Sa tingin ko nakabuti naman,” dugtong ng opisyal, na umaning dahil sa postponement ay posibleng humaba ang season.

 

“Baka umabot kami hanggang February. Malaking bagay ‘yung isang linggo,” wakas komisyoner.
Pero walang kaso ito sa PBA, basta sa kaligtasan ng lahat. (REC)

Other News
  • Naging maayos ang lahat nang makilala si Mikee: PAUL, inaming na-trauma na makipagrelasyon dahil sa ex-gf na si BARBIE

    WALA na raw sama ng loob si Paul Salas sa ex-girlfriend na si Barbie Imperial.       Kahit na maraming sinabing hindi maganda si Barbie na puwedeng ikasira ng pagkatao ng Kapuso hunk, itinanggi niya ang mga paratang nito sa kanya at pinatawad niya ito.       “Aminin ko po, ngayon lang po […]

  • Higit 300K stude sa private school lumipat na sa public -DepEd

    Tinatayang nasa 300,000 estudyante mula sa private school ang lumipat na sa pampublikong paaralan para sa paparating na academic year 2020 hanggang 2021 sa gitna ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd).   “Ang sabi po sa amin ng field officials namin, traditionally ang private schools, nahuhuli mag full blast ng enrollment,” ani […]

  • Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang

    DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.     Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.       Makikitang nagkaroon […]