Kaligtasan ng pasahero, rider ¬titiyakin sa motorcycle taxis law
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
SISIGURUHIN umano na ligtas ang mga rider at mga pasahero bukod sa mananatiling mababa ang bilang ng mga naaksidente kapag nagkaroon ng batas na gagawing legal at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa.
Sa naunang pagdinig ng Senate Committees on Public Services and Local, tumutok ang diskusyon sa training, skills at kaalaman ng mga rider sa paggamit ng motorsiklo para masigurong ligtas sila sa mga aksidente sa lansangan.
“We need to legalize to reflect the reality on the ground but we also need the highest safety standards to make this a true mobility alternative,” ayon kay Sen. Grace Poe, chair ng Senate committee on public services.
Sa ginanap din na pagdinig ay sinuring mabuti ang Angkas, JoyRide at Move it, ang mga kumpanyang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program ng Department of Transportation, tungkol sa safety training na kanilang ibinibigay sa kanilang mga drayber.
Nababahala naman si Sen. Raffy Tulfo sa bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng Angkas, ang market leader na humahawak ng 30,000 slot sa 45,000 sa ilalim ng pilot program, kung saan may naitalang 7,500 aksidente noong 2022 lamang.
Ito ay dahil marami umanong natatanggap na reklamo si Tulfo na ang mga pasahero muna ang nagpapaluwal ng pera dahil ang hirap kausap ng mga nasabing kumpanya.
Nais din umano ni Tulfo na kapag may naaksidente na rider na may pasahero ay agad-agad pupunta ang nasabing kumpanya sa ospital at babayaran ang gastusin doon.
Ayon kay Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa Thailand, Vietnam at Indonesia kung saan sila nag-o-operate rin, gumagamit sila ng teknolohiya para ma-monitor ang ugali at driving skills ng kanilang mga drayber bukod pa sa kaligtasan at tamang pagsasanay ng mga Grab driver.
-
Kapag umigting ang tensyon sa Taiwan: Pinas, hindi kakayanin
UMAMIN si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi kakayanin ng Pilipinas at Southeast Asian nations na umigting pa ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China na may kinalaman sa kamakailan lamang na byahe ni Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan. Sa isang meeting kasama ang bumisitang si US Secretary of State […]
-
Diaz, Ando nakahanda na
MAY dalawang bet ang Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 women’s weightlifting sa Tokyo, Japan na inatrasado ng Coronavirus Disease 2019 na papailanlang na ngayong Biyernes, Hulyo 23 at aabutin ng hanggang Linggo, Agosto 8. Sila ay sina Hidilyn Diaz, 30 taon, 4-11 ang taas, ng Zamboanga City sa 55-kilogram class, at […]
-
PDu30, ipinagpaliban ang Bangsamoro region polls sa 2025
TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025. Isang larawan ang makikita sa Bangsamoro Government’s official Facebook page kung saan nilalagdaan ng Pangulo ang nasabing batas. “Under the law, the first parliamentary elections in […]