Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products
- Published on July 27, 2023
- by @peoplesbalita
TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.
“We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our efforts to stop the smuggling and hoarding of rice, sugar, onions, garlic, and vegetables, which harms our farmers’ competitiveness and disrupts the agricultural value chain,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong 312 miyembro.
“Kami sa Kongreso ay tutulong sa Pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Inulit din ng lider ng Kamara ang sinabi ng Pangulo na bilang na ang araw ng mga smuggler, hoarder, at price manipulator.
Binanggit rin ni Romualdez ang pahayag ng Pangulo na umuunlad na ang sektor ng agrikultura.
Nangako rin ang Speaker na babantayan nito ang presyo ng mga produkto.
“We will continually check on prices, especially of staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade that hamper competition,” sabi ni Romualdez.
Nanawagan naman si Speaker sa mga departamento at ahensiya ng gobyerno na tulungan ang mga magsasaka upang makakuha ng mga bagong teknolohiya at kagamitan ang mga magsasaka
Nauna rito ay nagsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Agriculture and Food kaugnay ng biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P600 kada kilo sa huling bahagi ng 2022.
Nakakuha ang komite ng mga ebidensya na mayroong kartel na nasa likod ng pagtaas ng presyo.
Sa kanyang SONA, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang galit sa mga smuggler at hoarder. (Ara Romero)
-
Bukod sa movie nina Vilma, Judy Ann, FranSeth at Julia: ‘Topakk’ ni ARJO, pasok din sa 50th MMFF at palaban sa Best Actor
NOONG Martes, October 22, ini-reveal na ang last five entries na bubuo sa 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa The Podium Hall ng The Podium Hall, Mandaluyong City. Ang first five ay in-announce noong July 16 sa Bulwagang Antonio Villegas ng Manila City Hall, kinabibilangan ito ng And The Breadwinner Is…, The […]
-
BFAR, kailangan ang P450 million budget para sa surveillance vessels sa WPS
KAILANGAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang P450 million sa susunod na taon para bumili ng tatlong monitoring, control, and surveillance (MCS) vessels para tulungan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea. Inihayag ni BFAR Director Demosthenes Escoto ang nasabing halaga sa pagdinig ng Senate Finance Committee ukol sa panukalang […]
-
Ginebra, Magnolia, San Miguel players negatibo sa COVID-19
Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga manlalaro ng Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, at San Miguel Beermen makaraang sumailalim sa testing noong nakaraang linggo. Ito ay batay sa naging anunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang. Dagdag ni Ang, bagamat mahalaga ang sports sa […]