• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampeonato sa 10-ball championship, nasungit ni Orcollo

TULOY ang mainit na ratsada ni 2011 World 8-Ball champion Dennis Orcollo matapos angkinin ang ikalimang korona sa 2020 season.

 

Naging matibay na sandalan ng 2019 Southeast Asian Games men’s pool singles gold medallist ang karanasan nito para ilampaso si Aloysius Yapp ng Singapore sa finals ng 2020 Scotty Townsend Memorial 10-Ball Championships na ginanap sa West Monroe sa Los Angeles, California.

 

Nahablot ng Surigao del Sur pride ang $1,700 premyo habang nagkasya naman si Yapp sa $1,020 runner-up purse.
Pumangatlo ang isa pang Pinoy na si Roberto Gomez para sa $680 konsolasyon.

 

Sa kabuuan, may limang titulo na si Orcollo sa 2020 season para mapatatag ang kapit nito sa No. 1 spot sa Az Billiards World Money Maker list tangan ang tumataginting na $58,650 kabuuang premyo.

 

Nasungkit ni Orcollo ang $20,000 premyo nang hablutin nito ang Master of the Table crown sa 2020 Derby City Classic noong Pebrero sa Elizabeth, I-ndiana sa Amerika.

 

Maliban sa Master of the Table, napasakamay din ni Orcollo ang kampeonato sa 2020 Derby City Classic – 9-Ball Banks Division para makuha ang $16,000 top prize.

 

Pinagharian din ni Orcollo ang 6th Texas Open 10-Ball Championship sa Round Rock sa Texas at ang 2020 Music City Classic Midnight Madness sa Madison, Tennessee na parehong ginanap noong Enero.

 

Sa dalawang naturang torneo, nakapag-uwi si Orcollo ng tig-$4,000 premyo.

 

May isang runner-up trophy rin ito at tatlong third-place finishes sa magkakaibang torneo sa Amerika.

Other News
  • Rodriguez, ‘out’ na rin sa Malacañang

    KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na parte ng Gabinete si dating ES Vic Rodriguez.     Nilinaw din ni Bersamin na wala talagang itinala­gang bagong posisyon kay Rodriguez.     Hindi rin anila pinag-uusapan ang sinasabing bagong posisyon para kay Rodriguez na Presidential Chief of Staff.     “Wala.. We don’t even […]

  • Filipino-Japanese Judoka Kiyomi Watanabe hindi makakasama sa 31st SEA Games

    Hindi makakasama si Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam.     Sinabi ni Philippine Judo Federation secretary-general Dave Carter na hindi pa gaanong gumaling si Watanabe mula sa kaniyang injury.     Dagdag pa nito na patuloy ang paggaling ng 25-anyos na Japan-based judoka mula sa anterior […]

  • Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.   Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes […]