KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA MAYNILA, NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
SA kabuuan, naging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan bunsod na rin sa maagang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso katuwang ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD).
Pinasalamatan naman ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga deboto ng Sto. Niño dahil sa pagkakaroon nila ng kusang disiplina at pagsunod sa ipinapatupad na minimum health protocols dahil na rin ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Bukod sa mga deboto, pinasalamatan din ng Alkalde ang buong MPD sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Leo Francisco dahil sa agaran nilang paghahanda ilang araw bago pa man ipagdiwang ang nasabing Kapistahan.
Pinaigting ni Gen. Francisco ang “police visibility” sa mga lugar na sakop ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño partikular na sa Tondo at Pandacan kung saan mahigpit nilang ipinatupad ang mga umiiral na batas at kautusan ng Alkalde tulad ng pagsusuot ng facemask, liquor ban, at pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing.
Ipinatupad din ng MPD ang “zero vendor” at “zero obstruction” sa paligid ng simbahan sa Tondo at Pandacan kaya’t naging maayos, maaliwalas at maluwag ito para sa mga deboto na nagsimba at nakiisa sa Pista ng Sto. Niño.
Batay naman sa datos ng MPD, umabot lamang sa kabuuang bilang na 26 ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban sa Tondo at Pandacan nitong nagdaang kapistahan. (GENE ADSUARA)
-
Aminado na may nagawang pagkukulang: DENNIS, umaasa na magkakaayos pa rin sila ng mga anak niya
ISANG emosyonal na Dennis Padilla ang nakapanayam namin sa storycon ng bagong pelikulang ‘Magic Hurts’. Alam naman ng publiko ang masalimuot na sitwasyon sa pagitan ni Dennis at mga anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon na mga anak nina Dennis at dati nitong karelasyon na si Marjorie Barretto. Ang ‘Magic Hurts’ […]
-
Ban sa e-bikes, e-trikes, tricycle sa National roads sa NCR iiral na sa Abril 15
NAKATAKDA nang magsimula sa Abril 15 ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, at tricycles sa mga national roads sa National Capital Region (NCR). Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang nagkumpirma nito sa isang pulong balitaan . Ayon kay Artes, “We will implement ito by April 15.But […]
-
Tennis star Osaka nakiisa sa protesta
Tuluyan nang umatras sa paglalaro sa Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka bilang pagpapakita ng suporta sa umano’y racial injustice sa America. Bilang protesta, inanunsyo ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras nito sa palaro ilang minuto matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng palaro. Matatandaang ilang sporting […]