Kapuso breakout star na si CLAIRE, bagong ‘Pantasya ng Bayan’ matapos magpasilip ng alindog sa serye
- Published on September 1, 2021
- by @peoplesbalita
ANG Kapuso breakout star na si Claire Castro ang bagong Pantasya ng Bayan.
Pagkatapos na magsilip ng kanyang alindog si Claire sa kanyang eksena with Rayver Cruz sa teleserye na Nagbabagang Luha, tinawag na siya ng netizens na bagong Pantasya ng Bayan.
Sey ni Claire sa binibigay na titulo sa kanya: “I’m not sure what ‘pantasya’ means po, but thank you, whatever it means. Thank you po sa inyong lahat na nanonood, na-appreciate ko po ‘yung comments, negative or not.”
Kinaiinisan ng marami ang role ni Claire bilang si Cielo dahil ginugulo niya ang relasyon ng kanyang Ate Maita (Glaiza de Castro) sa pag-akit niya sa fiance nitong si Alex (Rayver Cruz).
Diin ni Claire, iba raw siya kay Cielo sa totoong buhay.
“Well, as Claire po, masu-surprise po kayong malaman na very comfy lang po talaga ‘ko manamit, very mahinhin, a little bit bit very opposite po sila ni Cielo.”
Sa pagsuot naman ng bikini at mga sexy na damit, kumportable si Claire na maging mas daring pa as Cielo.
“I like being comfortable also but I like being challenged, especially po which is very daring, very sexy.
“Very opposite po pero I love a good challenge naman and I’m comfy naman with my body and how I look and I’m okay with flaunting it.”
***
DALAWANG Filipino designers ang kasali sa 19th season sa American reality competition show na Project Runway.
Sina Kenneth Barlis na taga-San Diego at Darren Apolonio of New York ay kabilang sa 16 contestants na ime-mentor ng Project Runway winner at host na si Christian Siriano.
Si Barlis ay lumaki sa military base sa Mindanao. Isa siyang registered nurse sa Amerika bago siya naging designer at nakapag-show siya sa LA Fashion Week since 2013.
Si Apolonio ay pinanganak sa Pilipinas at nag-migrate sa New York pagka-graduate niya ng high school. Mga naging fashion influences niya ay sina Lady Gaga at David Bowie.
Ang winner ng bagong season ng Project Runway ay tatanggap ng $250,000.
***
HINDI nakapaniwala si Mikael Daez na 11 years na siya sa GMA-7. Kaya ikinatuwa niya ang muling pag-renew ng kanyang kontrata bilang Kapuso.
“This makes me extremely happy. It shows that GMA is continually willing to invest and take a chance on me even though I’ve been in GMA for 11 years, and I’ve done a collection of projects already, the continual trust is something that shouldn’t be taken for granted so I’m very thankful for that,” sey ni Mikael sa virtual mediacon.
Ilan sa malalaking projects na nagawa ni Mikael bilang Kapuso ay ang Amaya, Sana Ay Ikaw Na Nga, My Beloved, Adarna, Ismol Family, Bubble Gang, Ang Lihim Ni Annasandra, My Faithful Husband, Poor Senorita, The Stepsisters at Love Of My Life.
Looking forward si Mikael sa mga bagong gagawin niyang shows na kasama si Megan.
(RUEL J. MENDOZA)
-
MM Mayors, pinayagan ang religious gatherings ng 30% capacity
SINABI ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity. Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions.” Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) […]
-
$20M bare-knuckle boxing match ‘di kinagat ni Tyson
Hindi pinatulan ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson ang offer na $20 million upang lumaban sa bare-knuckle boxing match ngayong taon. Matatandaang ibinida ni Tyson na gusto nitong muling lumaban sa boksing sa isang exhibition match sa edad na 54 na ikinatuwa ng boxing fans. Dahil dito, agad na inoperan ni BKFC […]
-
Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong […]