Kapuso Primetime Queen, muling mapapanood: MAX, ipu-pull out sa serye ni DINGDONG para makasama nina MARIAN
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
MASAYANG-MASAYA ang fans ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil finally, mapapanood na siyang muli sa primetime ng GMA-7.
After five years din ang pagbabalik ni Marian sa teleserye. At kung sino dapat ang kapareha niya sa naudlot na comeback niya bago mag-pandemic, sa suppsedly “First Lady,” si Gabby Concepcion pa rin ang kapareha niya ngayon sa “Against All Odds” with Max Collins and Gabby Eigenmann.
Si Max parang pinull-out sa “Royal Blood” at dito na siya bilang bida/kontrabida kay Marian.
Parehong busy ang DongYan ngayon. Si Dingdong naman, bukod sa movie, “Amazing Race”, “The Voice Generations”, magsisimula na ang “Royal Blood” sa June 19.
***
ANG daming natuwa na mga Pinoys sa sumalubong sa kanilang 20-foot inflatable robot na si Voltes V sa 125th Philippine Independence Day celebration sa Bergenfield, New Jersey.
Isa lamang ito sa mga nakahandang surprise ng GMA Pinoy TV para sa mga kababayan natin abroad. Kasama rin sa bonggang celebration ang bigating Kapuso artists na sina Xian Lim, Megan Young, Gabby Concepcion, at Ruru Madrid.
Ang susunond namang bibisitahin ni Voltes V ay ang Piyesta Pinoy sa Chicago ngayong June 10.
Samantala, patindi nang patindi na ang mga kaganapan sa hit live-action adaptation na “Voltes V: Legacy”. Kaya hindi dapat ma-miss every 8 p.m. sa GMA Network.
Siyempre mapapanuod din ito sa GMA Pinoy TV!
(ROSE GARCIA)
-
Ads September 17, 2021
-
PAHAYAG NI CONG. TOBY TIANGCO SA DICT HACKING INCIDENT
NAGLABAS ng pahayag si Navotas Congressman Toby Tiangco na bilang Chair ng ICT Committee ng House of Representatives, ay lubos niyang ikinabahala ang tungkol sa insidente ng hacking kamakailan kung saan tinatarget ang Disaster Risk Reduction Management Division ng Department of Information and Communications Technology. Ayon sa kanya, ang paglabag na […]
-
Higit 30-K PNP personnel ‘nag-avail’ ng absentee voting
MAHIGIT 30,000 mga pulis at sibilyan personnel ng PNP ang nag-avail ng absentee voting. Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief, BGen. Roderick Augustus Alba na nasa mahigit 3,000 na mga Crame based personnel at halos 27, 000 naman ang mga nasa police regional offices ang nag-avail ng absentee voting. […]