Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.
Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati ang mga technical designs ng West Extension Project.
Ang pagtatayo ng west extension ay lilikha ng tatlong station, isa malapit sa Tutuban PNR station, isa sa Divisoria, at isa malapit sa North Port Passenger Terminal sa Manila North Harbor’s Pier 4.
Sinabi ni Cabrera na nasa sampung bilyong piso ang kailangan para maipatupad ang naturang west extension project.
Sa kasalukuyan, nasa humigit-kumulang P1.7 billion na ang pondo ng Light Rail Transit Authority o LRTA. (Daris Jose)
-
2 sa 4 hackers na umatake sa BDO, natunton na ng BSP
Tuloy-tuloy daw ang pagproseso ng BDO Unibank Inc. sa reimbursement ng nasa 700 nilang kliyente matapos mabiktima ng online fraudulent transactions. Ayon sa pamunuan ng naturang bangko, hiniling na raw nila sa kanilang mga kliyente na magtungo na sa pinakamalapit na branch at magsumite ng kanilang documentation para sa isasagawang refund. […]
-
Nag-viral ang kanilang ‘cake’ dance video: MARIAN, natupad agad ang wish na maka-collab si DINGDONG
NATULOY na nga ang inaabangang collab nina Kapuso Primetime Queen at kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paghataw sa TikTok dance video na kinagigiliwan ng mga netizen. Ito nga ang naging pasabog ng mag-asawa sa kanilang first day shooting para sa ‘Rewind’ na kasama sa 2023 MMFF. […]
-
THE BEST IN THE REGION
THE BEST IN THE REGION. Hawak ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang Plake ng Pagkilala ng Lalawigan ng Bulacan sa pagiging “Top 1 among all provinces in Central Luzon for obtaining the Highest Nominal Locally Sourced Revenue of 3,237,800,946.86” at “Top 3 for obtaining a 12% Year on Year Growth in Locally Sourced […]