• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAREN, nilinaw na walang natatanggap na bayad sa mga politicians na ini-interview

SINAGOT ni Karen Davila ang tanong ng isang netizen tungkol sa mga ini-interview na politicians.

 

 

Tweet ng premyadong Broadcast Journalist, “I was just asked how much do I charge for politicians to be featured on youtube channel.

 

 

      “NO, I DO NOT GET PAID TO FEATURE OR INTERVIEW POLITICIANS.

 

 

      “Salamat po! Good Evening.”

 

 

Todo-react naman ang ilang netizens at ilan pa ang naghahamon na ilabas ang resibo nang nagtanong, duda pa nila ay baka nakikisakay lang daw si Karen sa isyu ni Toni Gonzaga na nalagay sa hot seat dahil sa vlog na ini-interview si ex-Senator Bongbong Marcos.

 

 

Opinyon ng mapanuri at mapanghusgang netizens:

 

“In fairness kahit sa news hindi siya tumatangap at naniniwala ako don. So un mga nag-I-interview pala ng politicians ngayon un iba may lagay. Ahahaha kadiri.”

 

 

“matagal na may bayad yan mga yan. Usually for publicity or campaign. It stated in the US. There was an article,(and in some books) on how the father of late Pres. John Kennedy spent a lot of money to promote him to be a presidential nominee, and we all know the rest. Even that to be on the cover of Time magazine, msyroon din, they call it donation.”

 

 

“Donation sa channel, radio station, show…. pero some journalists/reporters refuse to be bribed/get paid naman. I know that for sure nung nag intern ako sa isang radio station dati during elections. Yung ibang politicians naman, may pakain sa lahat ng staff even us interns as pa thank you kuno.”

 

 

“May nagtatanong ba talaga o nakiki-ride lang sa issue kay Toni G?”

 

 

“Dahil parehas sila ni Toni na nag-i-interview ng personalities, I bet my 50 pesos kahit 1% lang eh may magtatanong ng netizen. Imposibleng wala. Good for her to clarify it as early as now.”

 

 

“She should not be a newscaster or news anchor. Parang lagi siyang naghahabol ng hininga niya. And her very hoarse voice is so bad to listen to.”

 

 

“hindi naman voice quality ang habol sa news reporting kundi delivery at punchy ang words na may sense. Kung gusto mo ng magandang boses, makinig ka sa FM.”

 

 

“Basta if you interview the current admin, the Marcoses, the trapos, & members of political dynasties, i hope you burn them to the ground. No mercy dapat.”

 

 

“Show receipt nga kung may nagtanong talaga?”

 

 

“Sa youtube views kasi sya nakakabawi.”

 

 

“Meron kasing mga corrupt na journalists. Karen’s disclosure that she’s not paid for is relevant.”

 

 

“Kaso nga lang ang hilig ni Karen makipagsosyalan sa mga celebs at pulitiko na madalas sa headline. There is inherent conflict of interest when you are a journalist when you keep in check these same personalities who are your friends. It’s just human nature for one to temper down when the going gets tough.”

 

 

Samantala, ngayong araw, may kaabang-abang sa kanyang youtube channel.

 

 

Sa IG post ni Karen pinasilip ang maikling video na may caption na, EXCLUSIVE!! Gaano nga ba talaga ka-simple ang buhay at bahay ni Vice President Leni Robredo?

 


      “This SATURDAY, Sept 18 7pm – @bise_leni opens her home for the first time in the almost 6 years she is in office!” 

 

 

***

 

 

SA panahon ngayon na hindi makapagtipon o makapunta sa mga concerts tulad ng dati, inihahatid muli ng Globe ang posibilidad na magkasama-sama tayo sa pag-enjoy ng ating mga paboritong kanta mula sa lokal at internasyonal na mga musical artists.

 

 

Ngayong Setyembre 25 at 26 ay magaganap muli ang G Music Fest kung saan mapapanood ng libre sina HONNE, Vance Joy, BEKA, SB19 at marami pang iba sa official Globe Facebook Page.

 

 

Sa Setyembre 25, ang mga artists ay mag-hohost ng isang fan meet na tinatawag na “Up Close” mula 5:30pm hanggang 8:30pm. Pagkatapos nito ay magaganap sa Setyembre 26 ang mas pinalaking online concert kung saan pasasayahin nila ang araw mo sa walang tigil na tugtugan at kantahan, pati na rin sa performances na exclusive lang para sa Pilipinas.

 

 

Ang G Music Fest 2021 ay bahagi ng taunang 917 celebration ng Globe bilang pasasalamat sa lahat ng mga Globe subscribers na patuloy na nagtitiwala sa aming serbisyo.

 

 

At para ma-enjoy nang lubusan ang #GDayEveryday, magbibigay din ng libreng 2GB na data ang Globe para magamit sa virtual concert kaya hindi mo na aalalahanin pa ang load. Para makuha ito, buksan ang new GlobeOne app. Matapos magrehistro, ang libreng data ay maaaring ma-redeem sa ilalim ng seksyon ng Rewards.

 

 

Ayon kay Bianca Wong, Head ng Feel Valued Tribe ng Globe, “Nais naming maging platform ang 917 celebration para maiangat ang buhay ng mga Pilipino at makapagbigay ng pag-asa para sa mas maraming tao at makapagbigay saya kahit sa simpleng paraan, tulad ng music. Kaya hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa mga GDay activities na tumutulong din sa mga kababayan natin na nangangailangan.”

 

 

Ang lokal na indie band na si I Belong to the Zoo (IBTTZ) ay nangakong magbigay ng donasyon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS). Ang pagsuporta ng IBTTZ sa PAWS ay kasama sa kanilang personal na adbokasiya.

 

 

Ang mga Globe subscribers ay pwede rin makatulong sa pamamagitan ng new GlobeOne App, kung saan pwede silang mag-donate ng kanilang Rewards points sa anumang charitable institution at foundation na sinusuportahan ng Globe. Kailangan lang hanapin ang Rewards, at i-tap ang Donate.

 

 

Maaari na i-download ang bagong GlobeOne Super App sa Google Play Store para sa mga android users at sa Apple App Store para sa mga iOS users.

 

 

Markahan na ang inyong mga kalendaryo para sa G Music Fest! Para sa mas malawak na impormasyon, bisitahin ang https://glbe.co/GMusicFest2021.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon naman tungkol sa Globe Rewards, bisitahin ang website: www.globe.com.ph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gobyerno, target ang 300,000 ektaryang lupain na mapagkalooban ng irigasyon sa termino ni PBBM

    TINATAYANG 300,000 ektarya ang nais abutin ng National Irrigation Administration (NIA) na mabiyayaan ng irigasyon na lupain sa buong termino ng administrasyong Marcos.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership.     Ani Guillen, […]

  • COVID-19 emergency loan program, muling binuksan ng GSIS sa mga members

    BINUKSAN ngayong araw ng Government Service Insurance System (GSIS) ang COVID-19 Emergency Loan program para sa mga miyembro at mga pensioners.   Ayon sa GSIS ang loan program ay hanggang Dec. 27 ng taong kasalukuyan.   Ang muling pagbubukas ng GSIS ng pautang ay matapos na pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1021 […]

  • Posibleng paghihigpit sa pagpapauwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week

    NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa ibat-ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na […]