• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama ang blue dress na ginamit sa 60th Bb. Pilipinas: PIA, ipapa-auction ang mga gown na sinuot sa Miss Universe 2015

IPAPA-AUCTION ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga gown na sinuot sa kanyang journey bilang Miss Universe titleholder.

 

 

Kinumpirma ito ni Pia pagkatapos ng kanyang judging stint sa Binibining Pilipinas 2024.

 

 

On Instagram, pinasalamatan ni Pia ang local designer Mark Bumgarner para sa blue dress na sinuot niya sa Bb. Pilipinas 2024 coronation night. Makakasama rin daw ito sa kanyang upcoming auction.

 

 

Proceeds from the sale will go to the youth center project of Love Yourself, an HIV advocacy group na sinusuportahan niya ng ilang taon na.

 

 

“Feels good to walk the Binibini stage. I requested Mark (Bumgarner) to make this gown especially for the Bb. Pilipinas anniversary which will be part of the auction I’m having at year’s end in support of the youth center project I’m collaborating on with Love Yourself. Keep an eye out for its release in a few months, alongside gowns from other designers worn throughout my journey as Miss Universe,” caption ni Pia.

 

 

***

 

 

KINUWENTO ng Pinoy Taekwondo legend na si Monsour Del Rosario sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ na ang yumaong Comedy King na si Dolphy ang nagkumbinsi sa kanya noon na pumasok sa showbiz.

 

 

Kuwento ni Monsour: “After ng 1988 Olympics, kinuha ako ni Tito Dolphy. Siya ang nagsabi sa akin na, ‘Monsour, gusto ko na mag-artista ka.’”

 

 

Sa una ay tumanggi raw noon si Monsour sa udyok ng yumaong si Dolphy, pero pumayag din siya.

 

 

“Sabi ko, ‘Tito Dolphy, hindi ako marunong mag-Tagalog. Bisaya ako, Ilonggo ako.’ Sabi niya, ‘You’ll learn Tagalog. Sabi ko, ‘I don’t know how to act.’ ‘You take an acting workshop’ sabi niya.”

 

 

Pinasok siya ng Comedy King sa ginagawa nitong pelikula noon na pinamagatang Enteng the Dragon na spoof ng pelikula ni Bruce Lee na Enter the Dragon.

 

 

“I did one movie. Nagkaroon ng magandang impact. Dumami ang nag-enroll sa taekwondo gyms na kakaunti pa lang ‘yong gyms noon,” ani Monsour.

 

 

Malaki umano ang naging impact ng pelikulang ito kung kaya’t dumami rin ang nagkainteres sa sports na Taekwondo.

 

 

Samantala, bukod sa pagiging atleta at aktor, pumasok din sa politka si Monsour. Nagsilbi siyang Representative ng 1st District ng Makati simula 2016 hanggang 2019.

 

 

***

 

 

BUNTIS sa kanyang first baby ang ‘Barbie’ star na si Margot Robbie.

 

 

Masaya sila ng filmmaker husband niyang si Tom Ackerley dahil matagal nila pinagpaliban ang magka-baby after nilang ikasal noong 2016 dahil sunud-sunod ang mga naging pelikula ni Margot hanggang maging billion dollar star and producer ito dahil sa phenomenal Barbie movie.

 

 

Ngayon ay mas relaxed na raw si Margot kaya magpahinga muna ito para tumutok sa kanyang pregnancy at sa pagiging mother.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Magpo-focus na lang sana sa mga negosyo niya: DAVID, muntik ng mag-quit at ‘di tanggapin ang serye nina BARBIE

    NAG-TRENDING sa Twitter ang post ng Sparkle GMA Artist Center na: “Goosebumps sa first-ever solo mall show ni Pambansang Ginoo David Licauco sa Gaisano Mall of Davao – A number of fans also travelled from different parts of Mindanao to see David.”     David is in Davao City this weekend to celebrate Wiltelcom’s 23rd anniversary.  […]

  • Valenzuela TODAs nakatanggap ng P3.7M tulong fuel subsidy program

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian sa pakikipagtulungan ng City Council ng one-time fuel subsidy vouchers na nagkakahalaga ng P500 sa lehitimong mga tricycle driver at operators na mga miyembro ng TODA sa Valenzuela City.     Ang pamamahagi ng fuel subsidy voucher program ay ipinapatupad sa pamamagitan ng […]

  • ‘Di tatanggi si Julia sakaling mag-propose na siya: GERALD, pinag-iisipan at pinaghahandaan na ang pagpapakasal

    THROUGH her Facebook and IG accounts ay nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa mga nanood ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.     Tama ang sinasabi ng mga nakapanood ng repeat ng Iconic na mas maganda ito compared sa napanood nila three years ago. Mas maganda ang repertoire at may mga bagong […]