• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama ang buong pamilya ni Cong. Jay: AIKO, sa Japan magpa-Pasko at may nag-iisip kung doon sila ikakasal

DAHIL sa Japan sila magse-celebrate ng Pasko, may katanungan sa isip ng mga netizens; doon na rin kaya magaganap ang kasalang Aiko Melendez at Jay Khonghun?
Taun-taon mula noong nagkaroon sila ng relasyon ay sa ibang bansa idinaraos nina Aiko at Jay ang Pasko, at ngayon nga ay sa Japan ang kanilang destinasyon.
Buong pamilya ni Congressman Jay ay kasama sa biyahe kaya may mga hindi maiwasang mag-isip kung magaganap na ba ang pinakahihintay na pag-iisang dibdib ng konsehala ng 5th District ng Quezon City at ng Kongresista ng 1st District ng Zambales.
Well, Pasko na bukas kaya malalaman rin natin. patuloy na napapanood si Aiko sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ng GMA.
***
THE long wait will soon be over!
Inakala ng lahat na nitong 2021 ipapalabas ang ‘Voltes V Legacy’ sa GMA kaya maraming fans ang nabigo dahil hindi iyon natuloy.
Pero magbubunyi ang lahat lalo na ang nakasubaybay sa Voltes V na unang napanood noong 1977 dahil tiyak na ang pag-ere nito na ngayon nga ay live adaptation ng GMA ng sikat na Japanese anime sa ikalawang quarter ng 2023!
“Voltes V: Legacy will definitely air second quarter of 2023,” pagkukumpirma ng  direktor na si Mark Reyes.
Isa pang kumpirmasyon nito ay ang trailer preview ng ‘Voltes V Legacy’ na dinaluhan ng buong cast ang buong cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho.
Dinaluhan din ang preview nina SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, First Vice President and Head of Post Production Department Paul Hendrick Ticzon, GMA Entertainment Group VP for Drama Cheryl Ching-Sy at AVP for Drama Helen Rose Sese.
Very happy and proud ang cast sa itinuturing na isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Network.
“Sa lahat ng cast na napanood namin, bawat labas nila, shini-share namin sila kasi ang tagal naming hindi, kung ano ang hitsura noong mga sarili namin sa screen, anong hitsura ng characters namin sa Voltes V. So noong nakita namin lahat kami tuwang-tuwa,” sabi ng leader na si Miguel.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Pinag-usapan ang success bilang isang theatre actress: LEA, na-feature sa isang article sa The Guardian UK

    NA-FEATURE si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kunsaan pinag-usapan ang success niya bilang isang theatre actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na ‘Miss Saigon’ in 1989.       Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute […]

  • PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

    UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.     Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na […]

  • Pacquiao ensayo agad sa Vegas

    Walang tigil sa ensayo si People’s Champion Manny Pacquiao na sumalang agad sa magagaan na workout nang dumating ito sa Las Vegas, Nevada.     Nasa Las Vegas na ang Pinoy champion para sa laban nito kay Yordenis Ugas sa Linggo (oras sa Maynila).     May apat na oras na land travel din ang […]