Kasama pa sina Janice, Mon at Chanda sa ‘Espantaho’: JUDY ANN at LORNA, tiyak na mapapasabak sa matinding aktingan
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
PANGALAWANG beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa isang pelikula, at ito ay sa kasalukuyang sinu-shoot ngayon na horror film, ang ‘Espantaho’.
“First namin was Mano Po 2,” kuwento ni Judy Ann, “pero hindi ganun karami yung scenes namin together at tsaka hindi kami yung mag-ina doon.
“Ngayon pa lang talaga yung almost every scene magkasama kami.
“Nakikilala ko siya ng husto… Mano Po pa lang naman may mga moments naman na magkakasama yung malaking cast.
“Kasi ang dami namin sa Mano Po mahigit, parang mahigit beinte kami doon e,” ang natatawang pagbabalik-tanaw pa ni Judy Ann.
Ang ‘Mano Po 2: My Home’ ay pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival noong 2003 kung saan tampok sina Judy Ann, Lorna, at sina Susan Roces, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino, Angel Locsin, Carmina Villarroel, Alessandra de Rossi, Richard Gutierrez, Jay Manalo, Karylle at marami pang iba.
Pagpapatuloy pa ni Judy Ann sa muli nilang pagsasama sa pelikula ni Lorna…
“And I really appreciate working with veterans kasi talagang makikita mo kung gaano sila ka-professional, ready silang dumarating sa set, walang kaarte-arte.
“Lumaki ako sa ganun, lumaki ako sa ganung environment.
“So ito yung environment ko,” pagtukoy ni Judy Ann sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Lorna.
“Nandito ako ngayon sa isang lugar na kinalakihan ko, ‘Eto yun, o… ah okay!’
“Wala kaming masyadong issues… actually wala, walang issues na kung anupaman… dayalog, blocking, wala!
“Kumbaga kampante ang lahat dahil we trust each other.”
At dahil pareho sila ni Lorna na mga mahuhusay na aktres, tiyak na to the highest level ang aktingan na mapapanood kina Juday at LT kapag ipinalabas na ang pelikulang ito ng direktor na si Chito Roño.
“Sa pangkalahatan,” sinabi pa ni Juday, “kasi may Janice de Belen ka, may Mon Confiado ka, may Chanda Romero ka.”
Kaya siguradong todohan na aktingan ang mamamalas sa ‘Espantaho.’
“In fairness sa script ni Chris Martinez, binigyan niya ng moment bawat artista sa pelikulang ‘to.
“Iyon yung talagang nakakagulat na parang he was able to make it a point na bawat artista, may moment,” sinabi pa ni Judy Ann.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PNP Chief hinimok ang publiko magsuot ng face shield
Hinikayat ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang publiko na magsuot pa rin ng face shield bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kagabi, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa loob at labas ng tahanan o mga gusali matapos matuklasan ng Department of Health […]
-
Pinas, nakikitang magiging 27th largest economy sa buong mundo sa 2037
NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang biggest economy sa buong mundo sa 2037. Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector. “The […]
-
Bangka tumaob: 26 patay, 40 nasagip
NASA 26 katao ang nasawi makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon. Sa inisyal na impormasyon ng Philippine Coast Guard Sub-Station Binangonan, dakong ala-1 ng hapon nang tumaob ang MBCA Princess Aya, may 30 yarda ang layo sa Talim […]