• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sa mga napiling sikat na personalidad: LEA, first Filipina celebrity na gagawaran ng ‘star’ sa Hollywood Walk of Fame

OPISYAL nang inanunsyo na kasama ang Tony Award-winning Filipino singer-actress na si Lea Salonga sa Class 2026 ng Hollywood Walk of Fame.
Tatatak na ito sa kasaysayan dahil siya ang first Filipina celebrity na tatanggap ng naturang parangal sa kategoryang Live Theater and Live Performance, na wala pang date kung kailan magaganap.
Pasok nga si Lea sa 35 na sikat na personalidad mula sa larangan ng musika, pelikula, telebisyon, at sports entertainment at magkakaroon na ng sariling star sa sikat na landmark sa Los Angeles, California.
In-announce ito sa social media post ng Manila International Film Festival na nag-nominate sa international broadway diva, “We’re incredibly proud to share that the Manila International Film Festival had the honour of nominating the one and only Lea Salonga for a star on the Hollywood Walk of Fame – and she’s officially been selected!”
Masaya naman itong ibinahagi ni Lea, kasama ang screenshot na kasama siya sa recipients of the Walk of Fame star, at binilugan pa ang kanyang pangalan.
“Just now woke up to this bit of amazing news!!! To the Manila International Filmfest, many thanks for nominating me to be part of the class of 2025-26!”
After ng successful stint niya sa ‘Miss Saigon’ na kung saan nakatanggap siya ng Tony Award at Laurence Olivier Award, mas nakikila rin si Lea nang kantahin niya ang mga popular Disney movie theme song na “A Whole New World” (Aladdin, 1992) at “Reflections” (Mulan, 1998). Na-nominate din siya Grammy Awards at pinarangalan bilang Disney Legend noong 2011.
“Those nominations are gathered and given to an independent committee which consists of former Walk of Famers in all six categories that are honored on the Hollywood Walk of Fame,” pahayag ni Hollywood Chamber of Commerce President and CEO Steve Nissen.
Ilan pa sa kasama sa listahan ng Hollywood Walk of Fame Class 2026 ay sina Gabriel ‘Fluffy’ Iglesias, Sarah Michelle Gellar, Gordon Ramsay, Demi Moore, Emily Blunt, Molly Ringwald, Miley Cyrus, Timothée Chalamet, Chris Columbus, Marion Cotillard, Rami Malek, Rachel McAdams, Stanley Tucci, Air Supply, Josh Groban at Shaquille O’Neal.
Congrats Lea, sobrang proud ang mga Pinoy sa achievement niyang ito.  At marami ang nagsasabi na sa mga susunod na taon, puwedeng-puwede na talaga siyang hiranging bilang isang National Artist for Film and Broadcast Arts.
(ROHN ROMULO)