• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasinungalingan, laganap sa Pilipinas sa panahon ng halalan – Obispo

Malaki ang problema ng bayan kaugnay usapin ng katotohanan. Ito ang ibinahagi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari at Panginoon ng Katotohanan sa gitna ng panahon ng halalan sa bansa. Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, maraming mamamayan ang madaling malinlang ng maling impormasyon at kasinungalingan dahil sa kawalan ng pagsusuri.

 

 

“Malaking issue sa atin ngayon ang katotohanan. Maraming mga tao ang hindi naghahanap ng katotohanan. They do not seek, so they do not find. Hindi sila nag-iimbistiga at hindi nga nag-aanalisa.”pagninilay ni Bishop Pabillo sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

 

 

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi lahat ng makikita, mababasa at mapapanuod sa iba’t ibang social media platforms ay tama at totoo. Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang katotohanan bilang pangunahing batayan sa paggawa ng desisyon lalo na sa nakatakdang halalan sa bansa. Iminungkahi ng Obispo na makatutulong din ang pakikipagtalakayan upang sama-samang mapalawak ang pag-unawa ng bawat isa sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga kandidatong naghahangad na maluklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

 

 

Inihayag ng Obispo na pantay-pantay at iisa lamang ang boto ng bawat mamamayan tuwing halalan na nararapat pahalagahan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pagdanganan may natanggap P4M gantimpala

    NAWALA sa porma si Bianca Pagdangan nang makahampas lang ng 3-over 73 para sa even 280, upang mapabilang sa four-way tie para sa ninth place na may $84,765 cash prize (P4M) bawat isa at magkapuwesto sa 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas sa darating na Disyembre 10-13.   Sa pagrolyo ito nitong Linggo […]

  • Sec. Chua, kumpiyansang mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso

    KUMPIYANSANG inihayag ni Acting SocioEconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso kung makikipagtulungan ang publiko sa minimum health standards.   Giit ni Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya na bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures.   Kumbinsido si Chua na pagkatapos ng Pebrero ay nasa mas maayos […]

  • Bawat Pinoy, may utang nang P119,458

    HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga negosyong pag-aari ng estado o government owned and controlled corporations (GOCCs) na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapagaan ng pasanin sa lumolobong utang ng gobyerno, na ang ‘servicing cost’ pa lamang ay katumbas na ng 30 porsyento ng P5.268 tril­yon ng panukalang badyet para […]