Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, bumaba ng 43%
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga health worker at frontliner ng lalawigan sa kanilang walang kapagurang paglilingkod sa mga Bulakenyo kasabay ng lalo pang pagbaba ng kaso ng 43% mula Mobility Week 19 hanggang 20 mula Mayo 8 hanggang 22, hanggang Mobility Week 21 hanggang 22 mula Mayo 23 hanggang Hunyo 5.
“Napanatili po natin ang pagbaba ng bilang ng mga kaso. I would like to congratulate and thanked our doctors and nurses, our medical frontliners and mga cluster head ng PTF at ang ating kapulisan. Lahat kayo ay nagsumikap dito. Kitang kita naman natin sa ating mga datos,” anang gobernador sa ginanap na Provincial Task Force Meeting noong Huwebes sa pamamagitan ng Zoom application.
Ayon sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, PTF Response Cluster Head, apat na porsiyento lamang o 1,510 ng 37,997 kabuuang kumpirmadong kaso ang aktibo, habang 94% o 35,666 ang gumaling at dalawang porsiyento o 821 ang namatay mula sa sakit.
Ipinarating din niya ang kanyang kasiyahan sa pagsasailalim sa Bulacan, kasama ang Metro Manila, sa General Community Quarantine (GCQ) “with some restriction”, na may bahagyang maluwag na protocol kumpara sa GCQ “with heightened restrictions”.
“Pababa ang kaso at napakaganda ng ating nagiging laban kung babatayan ang datos sa ibang lalawigan sa paligid ng NCR. Nananatiling pinakamababa ang ating active cases mula simula until today. Nawa ay magpatuloy ang datos na ito dahil hindi na natin kakayanin na bumalik pa sa mas mahigpit na quarantine status,” dagdag pa niya.
Umapela din ang gobernador sa mga lokal na pamahalaan na mag-ukol ng mas maraming vaccination sites, ipatupad ang sistematikong master listing, at maglaan ng mas marami pang tagapagbakuna upang lalong mapabilis ang vaccination rollout sa lalawigan upang makamit ang herd immunity bago ang Pasko.
Noong Hunyo 16, 2021, nakapagturok na ang lalawigan ng kabuuang 208,195 doses ng bakuna laban sa Coronavirus, 161,607 para sa unang dose at 46,588 para sa ikalawang dose. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Educational assistance sa HS students, binigay ni Cong. Tiangco
NAMAHAGI si Congressman John Reynald Tiangco kahapon (Huwebes) ng educational assistance para sa mga junior high school students sa Navotas. Nasa 1,100 mga estudyante mula sa mga pampublikong high school sa lungsod ang tatanggap ng P5,000 para sa school year 2019-2020. Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga magulang na siguruhing sa pag-aaral ng kanilang […]
-
Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon
SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair. Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa. Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng […]
-
Japan, kinokonsidera ni PBBM na isama sa Balikatan drills kasama ang Estados Unidos
KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama ang Japan sa nalalapit na Balikatan Exercises, isang taunan na military activity sa pagitan ng armed forces of the Philippines (AFP) at Estados Unidos. “Now with the inclusion of Japan into some of these exercises that we have been doing—not only Balikatan but others—I do […]