Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagya uling tumataas
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpaalala muli ang OCTA Research Group sa mamamayan ng Metro Manila nang ibayong pag-iingat makaraang ma-monitor ang unti-unting pagtaas muli ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa datos mula sa grupo sakop ang petsang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, tumaas man sa .68 mula sa .57 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region. Ang reproduction rate ay ang dami ng tao na maaaring mahawa ng isang pasyente na may COVID-19.
Tumaas ng 8% ang ‘seven-day growth rate’ sa Metro Manila na naitala sa 1,135 average kada araw.
Sinabi ng OCTA na maliit na pagbabago lamang ito ngunit ipinaalala nila na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon muli ng pagtaas mula nang marating ang peak ng COVID-19 surge noong Abril.
Nasa moderate risk pa rin ang klasipikasyon ng Metro Manila dahil sa 8.22 average daily attack rate (ADAR). (Gene Adsuara
-
Ads April 14, 2023
-
Warriors star Stephen Curry nagtala ng panibagong record sa NBA
NAGTALA ng kasaysayan sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry. Siya ngayon ang pang-29 na manlalaro ng NBA na nakaabot ng 24,000 career points. Naitala nito ang record sa laban nila ng Phoenix Suns kung saan sa kasamaang palad ay nabigo silang manalo. Isa lamang ito sa […]
-
PATRICK WILSON “FURTHERS THE FURTHER” IN HIS DIRECTORIAL DEBUT FOR INSIDIOUS: THE RED DOOR
“I love horror. It’s fun for me.” Says Patrick Wilson, who returns as Josh Lambert in his directorial debut Insidious: The Red Door, which brings the Lambert family’s terrifying saga to an epic conclusion. The final chapter of the blockbuster horror franchise opens exclusively in cinemas July 5. Watch the […]