KASO NG COVID SA MPD, UMABOT NA SA 77
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 77 ang kaso ng tinamaan sa Covid 19 sa hanay ng kapulisan ng Manila Police District matapos itong madagdagan .
Ayon kay MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco na karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa sakit ay mula sa MPD station 11 sa Binondo.
Ayon pa kay Francisco, sa MPD station 11 lamang ay nakapagtala na ng 59 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga pulis.
Kaya naman nanatiling nakalockdown ang istasyon bagamat mayroon lamang nakaduty na isa hanggang dalawang pulis para magbantay.
Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay nasa Delpan quarantine facility kung saan sila nagpapagaling.
Ang ibang mga pulis lalo na ang closed contacts ng mga positibong kaso, o may sintomas ay pinapa-swab test, na sagot ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Sa MPD headquarters naman, halos araw-araw na nagsasagawa ng fogging/disinfection, na isa sa precautionary measures kontra COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
Panawagan ni Parlade na revolutionary government, bahagi ng kanyang “freedom of speech and expression”- Andanar
BAHAGI ng kanyang garantisadong “freedom of speech and expression” ang naging panawagan ni dating NTF-ELCAC Spokesperson Retired Lt. Gen. Antonio Parlade. Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin M. Andanar makaraang ihayag ni Parlade sa rally ngayong tanghali sa People Power monument na revolutionary government ang solusyon para […]
-
Sec. Roque, naka-isolate sa bahay
ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay. Nilinaw ni Sec. Roque na nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol. ” Nagka-positive po ang aking security detail. Wala naman po akong sintomas but i’m […]
-
Sara-Gibo tandem sa 2022 lumutang
Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa May 2022 national elections matapos lumipad kahapon patungong Davao City ang huli at makipagkita sa presidential daughter. Ito’y sa gitna na rin ng ugong ng balak na pagtakbo umano ni Sara sa presidential race. […]