KASO NG COVID SA PGH, TUMATAAS
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine General Hospital mula nitong nakaraang linggo.
Ayon ito kay PGH Spokesperson Dr Jonas del Rosario, kung saan hanggang kahapon, Linggo ay umabot sa 143 ang COVID-19 pasyente na naadmit mula sa 250 beds.
‘ Ang naitala po namin kahapon , ito po yung biggest so far 143 na considering natapos na yung surge nung March pero ito na po parang paakyat po siya, actually 2 days ago 125 lang eh…[tas] kahapon 143 na, so talagang consistent po na talagang umaakyat ang ating admissions.’
Sinabi ni del Rosario na sa loob ng sampung araw ay patuloy ang pagtaas ng admission.
Ayon pa sa tagapagsalita ng PGH, na karamihan sa mga healthcare workers ay fully vaccinated na ay mild at moderate at na-admit rin sa ospital .
Pinapalagay aniya na ang mga kaso ay Delta variants.
‘Para di mahawa ang healthcare workers at makahawa sila, tinaasan po ang level ng personal protective equipment para mas protektado sila.’ pahayag ni del Rosario. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Kaso ng dengue, leptospirosis tumataas – DOH
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na tumataas na ang mga bilang ng mga kaso ng leptospirosis at dengue sa bansa bunga ng pagsisimula ng tag-ulan at mga pagbaha. Nakapagtala ang DOH ng 182 bagong kaso o 42% pagtaas mula Hunyo 18-Hulyo 1, mula sa 128 na naitala sa nakalipas na dalawang linggo. […]
-
Naputukan nitong New Year 585 na; nasapol ng ligaw na bala dumami
SUMAMPA na sa halos 600 katao ang bilang ng nadidisgrasya ng paputok atbp. paingay sa pagpasok ng 2024 habang nadagdagan naman ng dalawa pa ang bagong kaso ng stray bullet injuries, ayon sa Department of Health. Ayon sa DOH ngayong Huwebes, nadagdagan pa kasi ng 28 fireworks-related injuries mula ika-3 hanggang kaninang madaling […]
-
World No. 3 pole vaulter EJ Obiena, nanindigang hindi mag-eendorso ng mga alcohol o gambling-related product
BINIGYANG-diin ni world No. 3 pole vaulter EJ Obiena na hinding-hindi siya mage-endorso ng mga alcohol o gambling-related product. Ito ay kasunod na rin ng umano’y paggamit ng ilang mga kumpanya sa kanyang pangalan at imahe para lang palabasin na ineendorso niya ang kanilang mga produkto. Ang naturang modus aniya ay ginagawa ng […]