• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.

 

 

Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.

 

 

Samantala, nakapagtala din ang bansa ng 1,015 karagdagang kaso ng BA.5 na natukoy sa lahat ng rehiyon maliban sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

 

 

Tatlong returning Overseas Filipinos ay na-test ding positibo sa  BA.5.

 

 

Sa mga bagong kaso ng BA.5, 883 na ang naka-recover, 84 ang sumasailalim pa rin sa isolation, habang ang status ng 48 iba pa ay bineberipika pa rin, sabi ng DOH.

 

 

Nasa 26 na bagong kaso ng BA.4 din ang natukoy ayon pa sa DOH.

 

 

Sa bilang na ito, anim ang mula sa National Capital Region; apat mula sa  Visayas; tig dalawa sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Davao Region, Soccsksargen, at  Cordillera Administrative Region; at isa sa Ilocos Region.

 

 

Sa karagdagang mga pasyente ng BA.4, 21 na ang na-tag bilang naka-recover, dalawa ang naka-isolate pa, habang ang resulta ng tatlo pa ay bineberipika.

 

 

Ayon pa kay Vergeire,  nakapagtala rin ang bansa ng 18 bagong kaso ng BA.2.12.1.

 

 

Limang indibidwal ang mula sa National Capital Region, tig-tatlo mula sa Ilocos Region at CAR; tig-dalawa mula sa Western Visayas, Central Visayas, at Calabarzon; at isa mula sa Cagayan Valley.

 

 

Sa mga bagong na-detect na kaso ng BA.2.12.1, 13 na ang naka-recover ngayon, apat ang naka-isolate pa, habang inaalam pa ang status ng isa pang pasyente.

 

 

Sinabi ng DOH na ang pagkakalantad at kasaysayan ng paglalakbay ng mga bagong natukoy na kaso ng mga subvariant ng Omicron, kabilang ang mga unang kaso ng BA.2.75, ay biniberipika pa rin. (Gene Adsuara)

Other News
  • LEADER NG ONLINE PROSTITUTION SA KOREA, DINAKMA SA PAMPANGA

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng online prostitution advertising site.   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente ang ginawang pag-aresto kay Seo Jungnam, 41, sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng  BI’s Fugitive Search Unit (BI FSU).   […]

  • Kamara sisilipin senior, PWD discounts ng Grab

    NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies.     Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng […]

  • Ads August 29, 2022